.....

nufnang

nuffnang

Sunday, September 11, 2011

MEGA STAR LILIPAT NA RIN BA SA TV5?

SA SOBRANG layo na nang narating ng career ni ‘Nay Sharon Cuneta sa showbiz kung saan binansagan pa siyang Megastar at na-prove naman niya ito sa lahat na deserve niya ang said title dahil may ‘staying power’ ang kanyang karera, kung anu-ano’ng mgaintriga na lang ang kinuklapol sa kanya dahil hanggang ngayon ay “in na in” pa rin ang name niya sa showbiz.

Sa mga nagtatanga-tangahan at ipokrito riyan, si ‘Nay Shawie pa rin ang may hawak ng korona bilang highest paid celebrity product endorser. The truth is walang sinumang kompanya ang nalugi sa pagkuha nila kay Mega dahil lahat ng mga produkto na pinromote nito sa merkado ay bumenta lahat. Kahit nga ‘yung Loving Perfume niya from ZENZEST, kahit na wala itong TV ad ay tinatangkilik pa rin nang husto ng consumers at dalawa na kami ni BFFT Pete sa suki ng pabangong ito ni Nanay Sharon.


Pagdating naman sa mga concert niya abroad, aba’y milyones rin ang kanyang tinatanggap na talent fee at bongga rin ang career nito sa kanyang top-rated reality show sa Kapamilya network na “The Biggest Losser.”

Pero may mga tao talaga hindi masaya sa patuloy na pananagumpay ng Megastar. Kaya, biktima na naman ito ng panibagong intriga kung saan sinulat ng iba riyan na hindi na raw happy sa kanyang career sa ABS-CBN ang sikat na TV host/singer-actress kaya’t wala na raw itong kagana-ganang magtrabaho unlike before na very energetic siyang mag-host ng kanyang show.

Ang tsika pa, plano na rin daw nitong lumipat ng TV5 kaya pumayag ito na mag-phone patch sa show ni Willie Revillame na “Willtime Bigtime.” Ang tanong, totoo ba naman ang lahat ng ito? Well, gabi-gabi naming pinapanood ang Biggest Losser at happy and contented naman ang viewers at kami rin sa hosting ni Mega rito.

Sa aspetong ito, napaka-propesyonal na artista ni ‘Nay Sharon at wala siyang kaarte-arte sa katawan at ginagawa ang lahat ng best niya para mapaganda ang kanyang programa. Tapos, hayan at lalaitin pa siya ni Manang Cristy Fermin and company.

Ang alam namin, existing pa ang contract ni Mega sa Kapamilya network kaya malabo sa katotohanan ‘yung mago-ober da bakod siya sa Singko.

After Biggest Loser, we heard na may bagong show itong iho-host at may gagawin pang movie sa Star Cinema. Hindi kaya insecure lang ang mga mapanirang ito dahil ang ganda-ganda at payat na ni ‘Nay Shawie sa bagong Lucky Me TVC nito?

Tinuod (totoo) gyud!

13 comments:

Anonymous said...

naman! ang dami pa ring naninira kee mega! mahigit 30 dekada na sya at nakatatak na ang pangalan nya sa industriya ng showbiz kahit dumaan pa ang maraming taon! Mabuhay ka MEGA at continue to entertain and inspire us!

Anonymous said...

hay nku tv5,mgdiscover nlng kau ng mga talent nio kaysa nanunulot kau ng mga artistang pwde niong gmitin pra mlamangan nio ang kabilang istasyon,,,magugunaw muna ang mundo bgo mngyari un.....mga LOL!!!!!!!!!!!!

Anonymous said...

bakit kaya hindi iniintriga ang nga STRALETS ng gma na lumipat sa tv5?

hindi kasi sikat! haha

jun-jun said...

at mahirap mag-invest sa talents ng GMA 7.. full package pa ang make-over..

idadaan pa sa acting workshops at training..

compared sa abscbn talents magagaling na.. pagpirata ng talent sabak na kaagad sa actingan...hahahahaaa

Anonymous said...

TB5 - Mahilig magnakaw ng talents ng ibang networks

Anonymous said...

desperado n ang TV5.pero hindi malayo n lumipat xa kc Pangilinan un eh..pero if i were tv5,why not come to a show that will discover the talents of pinoy rather than magpirate ng talent ng iba.

fuentesjay29 said...

after biggest loser sharon will still host star power male edition..d ba...

Anonymous said...

Pag lumipat si Shawi sa TV5, titigil ang panlalait ni Cristy. haha.

Anonymous said...

TAMA TALAGA ANG GINAWA AT GINAGAWA NG ABSCBN PAGDATING SA PAG-DEDEVELOP NG ARTISTA... DI PWEDENG SABAK NANG SABAK LANG KAILANGAN MAY BAON KA TALAGA DI PWEDENG PA-CUTE-CUTE LANG...

SA TOTOO LANG MARAMING STANDARDS NA NI-SET ANG ABSCBN, HIGH STANDARDS IKA-NGA... ANG TANONG YUNG MGA NASA TV5 NA CREW AND ALL SAAN GALING KARAMIHAN NG MGA YAN SA ABSCBN PO... KAYA NUNG LUMIPAT SILA SA TV5 PARANG WALA RIN SAME PEOPLE DIN... TAMA BA??

Anonymous said...

bakit di na lang bilhin ng tv5 ang abs cbn kasi parang lahat ng talents nila ang kinukuha nila... eh bakit sa syete di sila magpirate

Anonymous said...

manonood lang ako ng tv5 kapag wala na sina cristy fermin at willie revillame sa station nila dahil nagrereflect sila sa kung anong klaseng company sila...kahit pa magsabi ng warning message bago magsimula ang isang show ganun pa rin yun. di ata magandang trabaho at ehemplo yung manira ka ng tao o network para lang kumita ka. sina boy abunda writer din siya pero nagkaroon na ba ng balita na nanira siya ng isang network o artista para lang kumita.. si kris aquino kaya maraming endorsements dahil sa pagiging totoo niya at kahit mali siya at alam niyang kahihiyan marunong siyang umamin ng pagkakamali pero si willie hindi ganun mas nakikita niya yung pagkakamali ng iba kesa sa pagkakamali niya

Anonymous said...

Nagkatotoo lahat na lilipat si dabyanang shawie sa tv5 at lumipat na nga siya!!!!!!!!
Kasi naman napaka O.A. at CORNEY niyang maghost ng show. At humingi pa siya ng talk show sa management ng ABS pero na-decline ito dahil di naman malakas humatak ng ratings ang show niya!!!!!!!! Bagay rin siya sa tv5 kung saan mabibilang siya sa mga nawalang projects sa dating network tulad ng mga ibang artists ng tv5!!!!!!! BUWAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!!!!!!!!!!

Anonymous said...

napaka-ipokrita rin naman si sharon cuneta at magsama-sama na sila nina cristy fermin, willie revillame at iba pang mga laos na artist na nasa tv5 na!!!!!!!!!!

KPOP

My Blog List

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails