.....

nufnang

nuffnang

Sunday, September 4, 2011

COCO MARTIN AT MATTEO GUIDICELLI NAGSUNTUKAN SA STAR MAGIC BALL!

Matagal nang usap-usapan sa showbiz ang diumano'y pagseselos ni Matteo Guidicelli kay Coco Martin dahil sa iisang babae na nali-link sa kanila—ang Thelma star na si Maja Salvador.

Si Matteo ang napapabalitang boyrfriend ni Maja.

Samantalang si Coco ay naging co-star ng aktres sa katatapos lang na teleseryeng Minsan Lang Kita Iibigin, kung saan apapabalitang tila nagka-develop-an daw ang dalawa.


Kaninang madaling-araw, September 3, matapos ang ika-limang Star Magic Ball, na naganap sa Rigodon Ballroom ng Manila Peninsula Hotel, nagulat na lang ang mga taong nakasaksi nang nagka-engkuwentro ang dalawang aktor sa loob mismo ng hotel.

Hindi pa malinaw kung ano ang tunay na pinag-ugatan ng away nina Coco at Matteo at kung paano naganap ang diumano'y pagsusuntukan ng dalawa.

Ngunit ayon sa mya eyewitnesses na nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal), si Matteo raw ang gumawa ng first move.

Ayon sa isang source na nasa Salon de Ning bar nang maganap ang insidente, sinakal diumano ni Matteo si Coco.

Nanlaban naman daw si Coco at sinuntok ang My Binondo Girl actor.

Pinatotohanan naman ito ng isa pang eyewitness na naroon sa lobby ng hotel nang maganap ang insidente.

Noong una ay inakala ng witness na naghaharutan lamang ang dalawa nang makita niyang naglalakad ang mga ito mula sa Rigodon Ballroom patungong Salon de Ning.

Nagulat na lamang siya nang makitang dumudugo na ang bibig ni Matteo matapos itong masuntok ni Coco.

Sinubukan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kunan ng pahayag si Coco nang maabutan namin siyang papalabas na ng hotel, subalit agad siyang hinila ng Star Magic head honcho na si Johnny "Mr. M" Manahan sa isang tabi upang kausapin tungkol sa nangyari.

Hindi namin narining ang buo nilang pag-uusap subalit naulinigan namin sa kuwento ni Coco na tila hinablot siya ni Matteo sa likod ng kanyang damit.

Iminuwestra pa mismo ni Coco kay Mr. M kung paano hinila ni Matteo ang kanyang damit.

Matapos mag-usap ng dalawa ay nakipag-usap naman si Mr. M kay Star Magic executive Mariole Alberto at isa pang di kilalang personalidad.

Naikuwento ni Mr. M na matagal na raw nilang alam na nagseselos nga si Matteo kay Coco na naging kapareha ni Maja sa teleserye. Subalit hindi raw niya inasahan na aabot sa ganito ang lahat.

Mananatili namang bukas ang PEP para sa pahayag ng mga taong sangkot sa insidenteng ito.

8 comments:

http://twitter.com/#!/ilovecocojam said...

over grabe lang...anu kayang reason ni matteo para una niyang sakalin si coco...although its obvious na nagselos siya kay coco...anu naman kaya yung eksaktong nagawa ni coco kaya naginit ang kanayng ulo nung mismong gabing iyon....grabe lang ang haba ng hair ni maja...pero s totoo lang mas bet ko ang coco at maja...coco team ako!!!!

Anonymous said...

ang haba ng hairrrrrrrrrrrr!!!!grabe...pero mas bet ko coco talaga

Anonymous said...

Yan kasi pa deny effect pa sila ni Mateo ha ha ha yun pala selos na selos na sya. Sino naman kayang di magseselos sa isang Coco Martin at sino naman ang di papatol kay Mateo kung dala ng pagseselos nya eh manghihila sya ng damit at tawagin nyang fag ang isang lalaki ha ha ha ngayon siya ang nafagot dugo bibig nya ha ha. Sabi elitista daw tong si Mateo eh bakit nagso showbiz pa wala naman syang kalatoy latoy eiiiiiiiii.... Go Coco, you're the man!

Anonymous said...

hahahah galing sa PEP hahahah halatang gawa gawa lang hahha

LONG said...

GANYAN PALA ANG ARAL NA BINIBIGAY NG 100 DAYS TO HEAVEN..

KADIRI HA!

BWAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHHA!

Anonymous said...

ang nonsense talaga ng mga comment ng mga KAPUSUCK!

Anonymous said...

meron bang GMA artist center ball?
just asking?????

Anonymous said...

Lumipas na naman ang 2011 star magic ball. nawala na naman yung pangarap at minimithi ng mga starlette ng GMA na makasama sa naturang okasyon.

To GMA Starlette: Better luck next time, or I should say, improve your talent to be counted in...

KPOP

My Blog List

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails