.....

nufnang

nuffnang

Monday, July 11, 2011

GABBY LUMAYAS NA SA DOS! P.S I LOVE IREREMAKE NG TV5!

Kumpirmadong lumipat na nga si Gabby Concepcion sa TV5 at ang first project ng aktor sa nasabing istasyon ay ang remake ng classic hit movie nila ni Sharon Cuneta na PS I Love You.

Gagampanan ni Gabby ang role na ama ni AJ Muhlach na siyang bida at gaganap ng dating role niya.

Nakausap nga namin si AJ sa pocket presscon para sa kanya ng VAA (Viva Artists Agency) kasama sina Aki Torio at Josh Padilla na pawang mga VAA talents, at excited ang bagets na siya ang napili para gampanan ang dating role ni Gabby at makakasama pa niya mismo ang aktor.

“Kaya nga po, sabi ng daddy (Cheng Muhlach) ko, ‘o, gagawin mo ’yung role ni Gabby sa PS I Love You, magaling ’yan,’” kuwento ni AJ.

Isang malaking karangalan daw sa kanya na siya ang mapili for the lead role at very thankful siya sa management sa pagbibigay ng mga magagandang break sa kanya.


As a newcomer, sobra-sobra nga ang suwerte ni AJ dahil tatlo-tatlo ang shows niya sa TV5 – Bagets, Hey It’s Saberday at ito ngang PS I Love You na nakatakda pa lang nilang simulan.

Ang kapareha niya sa Bagets na si Nadine Lustre of Pop Girls ang siya ring makaka-partner ni AJ sa PS I Love You.

Natanong nga namin sa nakababatang kapatid ni Aga Muhlach kung hindi ba siya nade-develop kay Nadine at aniya, sa ngayon daw ay hindi na muna niya ito iniisip dahil sa rami ng trabaho niya.

Nagkaroon na rin naman daw siya ng girlfriend before pero sa ngayon ay career daw muna ang pinaglalaanan niya ng panahon at oras.

* * *

Back to Gabby, we learned na ang Viva na ang nagma-manage sa kanya kaya ’di kataka-takang sa TV5 na natin siya mapapanood. Nag-expire na raw ang kontrata ng aktor sa Star Magic kaya pwedeng-pwede na raw itong mag-ober da bakod.

Nalaman din namin from a reliable source na isang malaking reality show ang first project ni Aga Muhlach sa Kapatid network. Franchise raw ito ng isang show sa abroad na ayaw pang ipabanggit kung ano.

Sey pa ng aming source, tuwang-tuwa raw si Aga sa project dahil first time niyang gagawa ng ganitong klaseng show. Ang maganda pa, may mga tapings sa ibang bansa na gagawin kaya pati ang buong staff ay excited.

Balitang abalang-abala nga raw ngayon ang production staff sa pagkuha ng VISA. Ayaw pang sabihin ng source kung saang bansa sila pupunta pero kung ganyang nangangailangan ng VISA, hula namin ay hindi ito sa Asia kungdi baka Europe or US.

Anyway, abangan na lang daw ang show na ito dahil say ng aming source ay maganda raw talaga.

By Vinia Vivar, Journal Online (Philippines)


3 comments:

Anonymous said...

BYE GABBY!!! PERA-PERA LANG TALAGA ANG LABANAN, KAYA NGA KAYO NAG-AWAY AT DEMANDAHAN NUNG MONEYGER MO NA SI MUMMY ROSE F. DIBA??? WELL WELL WELL

Adwatch said...

PGT Season 3

25 ad minutes in 5 gaps



Kantar-TNS Nationwide Ratings: July 10, 2011- Sunday

ASAP Rocks 16.2%
V.S
Party Pilipinas 11.7%


AGB People Ratings: July 10, 2011- Sunday

Asap Rocks 6.4
V.S
Party Pilipinas 7

Anonymous said...

Kahit gaano kaganda ang mga storya ng mga ire-remake ng TV5, kung ang cast ay hindi sikat hindi rin magiging successful ang show.

Sayang lang ang mga magagandang movie ng Viva noong 80's kung ire-remake lang ng mga unknown or starlet actors at sa network na di gaanong kilala.

KPOP

My Blog List

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails