.....

nufnang

nuffnang

Saturday, June 25, 2011

PGT GRAND SHOWDOWN NAGSIMULA NA! ALIN SA 14 NA KALAHOK ANG INAABANGAN NYO?

Huwag palalampasin ang huling pasiklaban ng talento sa “Pilipinas Got Talent 2 Grand Finals” ngayong Sabado (June 25) at Linggo (June 26) sa Araneta Coliseum.

Mamayagpag kayang muli ang mga singers tulad ni PGT grand winner Jovit Baldvino ngayong season? Susubukang iyang panatilihin ng singing siblings na Madrigal Siblings ng Cainta, Rizal; acoustic heartthrob na si Jem Cubil ng Talisay, Cebu; young balladeer na si John Michael Narag ng Mabini, Pangasinan; Pinoy Bruno Mars na si Buildex Pagales ng Digos City; tween trio na DJP Trio ng Bacolod, Negros Occidental; at male diva na si Marcelito Pomoy ng Imus, Cavite.


Hindi naman papataob pagdating sa hatawan ang dance groups na Freestylers ng Calamba, Laguna; B4 ng Baguio City; at Filogram ng Baguio City; tapdancing brothers na Happy Feet ng Libona, Bukidnon, at powerdance duo na sina Leoniel Enopia at Elizabeth Dazo ng Bacolod, Negros Occidental.

Samantala, magpapakitang gilas din sa pagmama-magic ang salamangkerong si Rico the Magician mula Caloocan; pagpapaikot ng hoola hoop sa katawan ng hoola hoop master na si Angel Calalas mula Cainta, Rizal; at pagtugtog ng mga instrumento ng bandang Skeights mula naman sa Davao City.

Inaasahang mahigpit ang kumpetisyong magaganap sa Sabado at mas mahigpit din ang kumptisyon sa pagboto dahil bawat numero o email ay limitado na ang maaring ipadala. Hanggang 30 boto kada contestant kada araw ang maari lang i-send ng isang celphone number o email sa magaganap na overnight voting. Para sa bulk voting, hanggang 30 na boto rin kada keyword. Para sa kumpletong detalye at keywords ay bumisita lang sa http:// pilipinasgottalent.abs-cbn.com.

Ang “Pilipinas Got Talent” ay isa sa pinakamatagumpay at pinakapinanood na talent-reality show sa telebisyon na talaga namang nagpasikat sa unang grand winner nito na si Jovit. Simula ng siya ay manalo noong Hunyo ng nakaraang taon, nakapag-release na ang Batanguenong dating siomai vendor ng dalawang album under Star Records, ang una umani pa ng Platinum record award, at nakapagsagawa din ng kanyang major concert sa music museum.

Pati ibang grand finalists ay namamayagpag na rin sa kani-kanilang larangan dala ng pintuan binuksan para sa kanila ng PGT.

Pakatutukan ang “Pilipinas Got Talent 2 Grand Finals” live performance night sa Araneta Coliseum sa Sabado (June 25), 8:45 PM, at live results night sa Linggo (June 26), 8:15 PM sa ABS-CBN. Pangungunahan ito ng hosts na sina Luis Manzano at Billy Crawford kasama ang mga huradong sina Kris Aquino, Ai Ai Delas Alas at Freddie M. Garcia.

13 comments:

Anonymous said...

show me da manny, astig...

Anonymous said...

yes astig ang show me the money, natsutsugi na!!!!

Out of the topic ka ineng!!!!!

"Pilipinas Got Talent" - mag-tetrending na naman 'to sa mga social sites!!!!

Go PGT!!!

Anonymous said...

sa sobrang kaastigan ng show me the manny nagiging offtopic ang mga kapusuck....GO GO PGT!!!

Anonymous said...

kaya nga astig ang show me da manny kasi mawawala na, at least umabot ng 2years.kaya astig ang finale..astig naman din ang pgt kaya lng di astig ang mga judges, di sila effective kaya sa show me da manny nlng ako...wala si luis, si nikki pa ang kinuha para ipalit sa grand finale pa..ambabaduy ng dalawang laos bilbilly at nikiki..we want luis manzano

Anonymous said...

we want luis manzano ka after mong laitin ang pgt! tatak kapuso ka talaga! utak biya! sira-ulo!

Anonymous said...

happy feet...

yuri_121 said...

Philippine Television will remain an ABS-CBN story...

Lumipas at magbago man ang panahon, sa isip at pananaw, sa puso at diwa ng Pilipino iisa ang ibig sabihin ng telibisyon...ABS-CBN patuloy na naglilingkod sa sambayanang Pilipino saan man sa mundo...

one world...
one network...
one family.

Anonymous said...

either rico the magician or happy feet!

Anonymous said...

Mga KAPUSO, nangagaglaiti sa galit! WORLDWIDE TRENDING TOPIC kahapon ang DALAWANG show ng ABS-CBN.


daytime palang, Prime machine sa Showtime worldwide trending topic. tapos kinagabihan PGTGrandFinals naman! oh saan ka pa?! eh ang GMA? kelan nagtrend? hahaha paano kasi yung mga squatters walang internet sa bahay nila hahaha


I want marcelito, nielbeth and happy feet!


kaya vote lang mga KAPAMILYA!

Anonymous said...

sna isa d2 ang manalo
marcelito
Happy Feet
Madrigal Siblings
Neilbeth
Rico the magician
vote wisely mga kapamilya

Anonymous said...

acts na nagustuhan ko e yung kay rico,marcelito,madrigal at neilbeth, nabitin ako kay angel although ang hirap ng ginawa nya

Anonymous said...

dapat masaya ka shunga ksi kaming mga kapuso nanood din ng pgt...di gaya ninyo, nalulong na sa mga shows ng isang istasyon basura mn o hindi...loyal kmi sa kapuso pero pag di n maintindihan, lipat na sa ibang show pero blik prn kapuso...

Anonymous said...

Anonymous said...

dapat masaya ka shunga ksi kaming mga kapuso nanood din ng pgt...di gaya ninyo, nalulong na sa mga shows ng isang istasyon basura mn o hindi...loyal kmi sa kapuso pero pag di n maintindihan, lipat na sa ibang show pero blik prn kapuso...

____________

Masaya nga kami kasi NALUSAW ANG MGA KUPUSSING SOLID....

NAGING GAS NA SILA TULAD MO...

Bwahahahahahaha...

KPOP

My Blog List

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails