.....

nufnang

nuffnang

Saturday, June 4, 2011

GMA WINS AWARD IN READER'S DIGEST 2011 MOST TRUSTED BRAND!!

Kabilang ang GMA Kapuso Network sa mga pinarangalan ng Reader’s Digest-Asia bilang isa sa mga pinaka-pinagkakatiwalaang brand.

Bukod dito, tumanggap din ng natatanging pagkilala mula sa Reader's Digest ang isa sa mga haligi ng GMA 7 na si Jessica Soho bilang pinaka-pinagkakatiwalaang news presenter para sa taong 2011.

Sa ikalawang pagkakataon, ipinagkaloob sa GMA 7 ang Gold Award bilang most trusted brand ngayong taon para sa Television Network Category ng Reader’s Digest-Asia.


Kabilang ang GMA Network sa 94 na local at international companies na ibinoto bilang pinaka-pinagkakatiwalaang brand. Batay ito sa isinagawang annual consumer survey ng Reader’s Digest sa walong bansa sa Asya, kabilang ang Pilipinas.

“Perception is very important how people look at brand, and the trust they have in specific brand dictates how they purchase," ayon kay Christopher Axberg, Managing Director ng Reader’s Digest-Asia

Ayon kay Teresa Pacis, AVP for Corporate Affairs ng GMA Network, mahalaga ang ibinigay na pagkilala ng Reader’s Digest-Asia sa Kapuso Network.

“Importante ‘to kasi people rely on us for information, after information and quality entertainment. At mabuti naman hanggang ngayon naibibigay natin ‘to. Ito ay tradisyon talaga natin bilang Kapuso," pahayag ni Pacis sa GMA news 24 Oras nitong Biyernes.

Samantala, nag-iisa namang tumanggap si Jessica, VP for News Program ng GMA Network, ng pagkilala bilang Most Trusted News Presenter for 2011.

Ito ang ikalawang pagkakataon na tumanggap si Jessica ng pagkilala sa Reader’s Digest-Asia. Noong nakaraang taon, kabilang siya sa mga pinaka-pinagkakatiwalaang personalidad sa Pilipinas.

Labis naman ang pasasalamat ni Jessica sa parangalan na ipinagkaloob sa kanya ng Reader’s Digest at hinikayat ang mga kabataan na matutong mahalin ang pagbabasa. -  


FRJimenez, GMA News

5 comments:

Anonymous said...

Naku, at talaga naman kailangan pang isingit ang lumang article na 'to. 2011 na. Mahigit isang taon na ang nakalipas. Bakit kailangan pang i-brought up sa present.

Anonymous said...

Na-edit na. 2010 kanina ang article e. Sorry. Hehehe.

Anonymous said...

AY! TANGA KAUNG 2 HA! Ngaun i2 ung picture lng ang hindi!!! MGA TANGA!!!

ad watch said...

^ anu daw?

Anonymous said...

Congrats GMA kau ang 2nay na no.1 TALBOG ANG ABS-CBN!!! Biruin mo, 2 ang awards n nkuha smantalang s kabila isa lng.

KPOP

My Blog List

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails