.....

nufnang

nuffnang

Thursday, March 17, 2011

TV5 MATINDI ANG OFFER KAY MICHAEL V! LILIPAT NA RIN BA?

ILANG araw nang naba-blind item ang isang TV host-comedian na lilipat na rin daw sa TV5, ito’y pagkatapos ngang tanggapin ni Wendell Ramos ang offer ng Kapatid network. Ang clue, taga-Bubble Gang din daw ang mag-o-ober da bakod.

Iilan lang naman ang komedyante sa Bubble Gang at isa na nga si Wendell doon, imposible namang si Ogie Alcasid ang nasa blind item, e, binigyan na siya ng posisyon ng GMA 7 para sa ilang mga programa nila.


Naisip namin si Michael V na kasama rin sa creative staff ng Bubble Gang kaya sabi namin ay malayong mangyaring siya ang binabanggit.

Pero kinumpirma nga sa amin ng isang executive ng TV5 na may nagaganap nang negosasyon sa pagitan ng istasyon at ni Michael V at sa tingin nila ay isa lang itong career move sa part ng TV host-comedian.

“Maski loyal siya sa GMA, paano kung mas malaki ang offer ng TV5? Paano kung gagawin din siyang creative consultant? Kumbaga career move na ito for Michael V,” katwiran sa amin ng aming kausap na may punto rin naman.

Sa madaling salita, hindi na uso ang loyalty ngayon dahil kung hindi ka na nga naman masaya sa ginagawa mo, bakit kailangang pilitin pa, at sabi nga nila, maraming bakanteng posisyon sa TV5 kaya marami nang lumilipat.


Ganito rin kaya ang naramdaman ng ilang artista at empleyado sa ABS-CBN kaya lumipat na rin sila sa TV5?


8 comments:

ilovenetworkwar said...

uhmmm ok lang naman kahit saan sya lumipat eh, saka nanggaling naman sya sa channel 5 before along with Candy Pangilinan and the rest ung Tropang Trumpo sila pa nga ni Ogie nandun eh.

Ok lang yan kahit saan pumunta si Michael v. subok na sya, at kinikilala pa sa buong Asia.

Anonymous said...

WHO CARES?!

cooldudeTWOFIVE said...

ganun talaga layf,kaw,ako or tayo for example me work sa isang co. let say na nasilip ng kalaban na magaling ang taong to in all aspect,so best na gagawin nila is kausapin ka at mag-offer ng malaking halaga or should i say doblehin ang sahod mo kung lilipat ka sa kanila...so tingin nyo di mo ba kakagatin yan?cyempre pera-pera lang yan...chos!

Erneil Badayos said...

Hello, I'm Erneil. Interested? We are looking for 5 good people to come work with us in a part or full time basis...
We are an advertising company that does Print Ads, Events, Magazines, Photo shoots and a lot more.
Rewarding compensation awaits you. Feel free to hit me up a message whenever you get the chance to read this
and become interested.. Kindly leave your number and basic information if you're interested.

09327106740

Anonymous said...

wala kaming MATINDING pakialam!
di ba number 1 daw ang show nyang manolo whatever every sunday, pero ni hindi namin maramdaman! HYPE!

eh di lumipat ka, basta huwag kang lilipat sa kapamilya station kasi walang lugar don ang KACHEAPAN! bwahahaha!

Anonymous said...

wtf ang nasa picture..parang baboy

Anonymous said...

wala kaming MATINDING pakialam!
di ba number 1 daw ang show nyang manolo whatever every sunday, pero ni hindi namin maramdaman! HYPE!

eh di lumipat ka, basta huwag kang lilipat sa kapamilya station kasi walang lugar don ang KACHEAPAN! bwahahaha!

____

paano hindi naramdaman eh ang taas ang rating nun tapos may awards na din na nakukuha ang show...and besides, anong kacheapan na sinasabi mo- eh ano yung babana split- ano yun gawang basura...

Anonymous said...

Mariing pinabulaanan ni Michael V ang napapabalitang paglipat niya sa ibang network. Puro sitsit lang daw ito at wala siyang kaba­lak-balak maglipat-bakod.


Kung totoo raw ito ay matagal na niyang ipinaalam sa mga executives ng GMA 7 at hindi siya basta-basta aalis.


Malaki nga naman ang respeto niya sa pamunuan ng GMA 7 at mukha naman happy si Michael V sa ginagawa niya sa Kapuso Network. Parte pa rin siya ng creative group ng Bubble Gang at rumaratsada pa rin sa ratings ang kanyang Pepito Manaloto, kaya papaano nga naman siya maglilipat-bakod.


Lalo na ngayon na naghahanda ang production staff ng Pepito Manaloto sa taping nila ng ilang episode sa Los Angeles, California USA habang ang Bubble Gang ay pinag-iisipan pa kung saan kukunan ang kanilang summer episode.


Hindi rin namin maubos isipin na iiwan niya ang partner niyang si Ogie Alcasid dahil patok talaga ang tandem nila.

source:abante

KPOP

My Blog List

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails