.....

nufnang

nuffnang

Tuesday, January 11, 2011

MARIAN RIVERA LAOS NA NGA BA? DWARFINA NAGSIMULA NA!

Malalaos na nga ba ang tinaguriang bagong reyna ng GMA na si Marian Rivera? Ito ay ayon sa mga predictions ng mga psychic para sa taong 2011! Mapapansin na nitong 2010 ay hindi gaanong naging maganda ang takbo ng career ni Marian Rivera pagkatapos mabigo ang MMFF entry nito na Super Inday and the Magic Bibe. Nasa bottom 3 ang Regal Film entry na ito kasama ng Rosario at Father Jejemon ni Comedy King Dolphy na kumita lamang ng kumulang kulang na P10M. Kung ihahambing din sa Marimar at Dyesabel, ay hindi rin gaanong naghit ang DARNA at Endless Love ni Marian na paminsang natatalo  ng kalabang programa sa ABS-CBN sa Mega Manila.Marami ring mga product endorsements ni Marian ay pinalitan ng mga kapamilya stars gaya ng isang real state business na pinalitan ni Anne Curtis. 


Marahil ang mga isyung kinaharap ng actress gaya ng mga away nito sa ibang mga stars at ang iba pang negative issues na sumambulat sa kanya ang ilan sa dahilan ng humihinang popularidad ni Marian. At Ngayong 2011, maraming hula ang nagpapatibay na malapit nang magwakas ang malakas na career ng actress. 

Ngunit mukhang hindi ito hahayaang mangyari ng kapuso network dahil ang pinaka malaking proyekto ng taon ng Kapuso Channel ay ibibigay ng istasyon sa muling pagbabalik ng Reyna ng GMA Telebabad na si Marina Rivera!

Samantala, nagumpisa ng kagabi ang unang pasabog ng GMA sa 2011 na Dwarfina! Katapat nito ang mga huling episodes ng NOAH na kinatatampukan nina Piolo Pascual, Zaijan Jaranilla at ng Agua Bendita starrer na si Xireil Manabat. Alin kaya ang lalabas na panalo? Manunumbalik na kaya ang lakas ng GMA sa Mega Manila? O magpapatuloy parin ang pamamayagpag ng Kapamilya programs sa Prime time!?

16 comments:

Dawggg said...

I'm a kapamilya and yet I don't deny Marian's popularity. Pero like anything else, kelangan mong ingatan ito and not get involved with petty fights. So for me, medyo bumaba ang kasikatan niya, pero di naman to the point na laos na siya. I mean, every celebrity naman gumawa ng film/TV show na nag-flop, and Marian is no exception.

But still, I think Angel is way way better than her. :)

Anonymous said...

totoo ba na mas marami pang ads ang shout out kaysa sa Temptation of Wife??? OMG!

Anonymous said...

ganya talaga ang bahay weather2x lang.'., i think nabawasan nga dahil walang artist talaga na di nalalaos but di pa sya laos dahil last movie nya ay umabot ng 100+M.', kaya d nag hit ang movie nya sa MMFF dahil malakas nga ang kalaban., nandon ang eteng., tanging, ina at dalaw.'at least natalo nya ang rosario na sobrang laki ng butget., at walang sikat na walang flop tulad ni maricel., juday,etc., may flop din na movie.', pero i think amaya ay mag hit ito dahil malaki ang buget at first epicserye at historical, a big chance na may awards itong makukuha.'

Anonymous said...

ang ganda ng dwarfina ang cute ng mga bida.' i lab it.'

Anonymous said...

LAOS? Kahit saan blogs or entertainment site pinaguusapan si MARIAN. BAD man or GOD YUNG ARTICLE sa kanya eh.

Anonymous said...

dwarfina.. para lang wansapanataym :P

Anonymous said...

para sa akin hindi pa laos si marian rivera...ganun talaga hindi maiiwasan magkaroon ng flop na movie hindi maiiwasan yan,,kahit nga si judy ann may flop din,,yung movie ni angel flop din yung angel..

Anonymous said...

para sa akin hindi pa laos si marian rivera...ganun talaga hindi maiiwasan magkaroon ng flop na movie hindi maiiwasan yan,,kahit nga si judy ann may flop din,,yung movie ni angel flop din yung angel.

----------------------------------
malamang ung Angel n muvie gawa ng GMA kaya flop..

Anonymous said...

MArian? sino sya? ahahahaha

Anonymous said...

Dwarfina para lang Juanita Banana...

copyright infrigement na naman...

Anonymous said...

eh ang imortal nga eh parang mickey mouse lang...ahahaha...

Anonymous said...

^huh?

Anonymous said...

di pa laos si marian.not all the time naman tangkilikin ng tao ang kanyang shows kahit pa ilang movies pa ang gagawin nya.depende yan sa istorya at pag gawa ng isang show..she made a history in philippine tv,aminin man natin o hindi,she captured filipinos heart at the peak of her career kaya lng sa dami ba namang paninira,pinoy tayo eh.so sa isa dyan na nag ask kung sino si marian,am pretty sure di ka lng talaga tanga,assuming na,makitid pa..
am not her fan kasi i dont support her movies but i see her as one of the most popular bright stars in pinas.
tvnetworkwar,u should know that marian was invited to be a part of the success of sm residences victory party sometime in december or novmber last year,marian extended a year for her contract under sm (thats according to facebook and popoy on twitter) kaya,if anne curtis replaced her, it may be not because shes laos but for advertisers to try others if the new endorser could help more.

Anonymous said...

yung dwarfina nga eh,sabi si heart super laos na daw pero bakit andyan pa rin,pinapanood pa rin ng mga tao,pertaining mega,kaya for every one isa lng laos ngayon,si anabel rama hahaha

Anonymous said...

mas magaling si heart kesa kay marian, kung sa ganda lang di papahuli si heart, marina maganda nga mukah pero mukhang gurang na, nakukuha sa photo shop. hehe. Ewan ko na alng kung bigyan pa yan ng kagay ng amaya project, napaka low ng ratings mataas pa heredera, kaya nagpyepyesta abs ngayon lahat ng primetime nila number 1, haay marian kinakarma kana sa sama ng ugali mo.. feeling mo mapapaikot mo mundo, matatalino na tao ngayon.. kaya dapt marunong kang lumugar..

Anonymous said...

di nga maiiwasan ang mag flop ang movie or tv serye, pero kung palagian, may ibig ng sabihin yon! Yung amya nga ayon sa GMA maganda ang kwento, ginastusan, katakot takot na ads/promo kung saan saan, anong nangyari? wala parin. Talagang ginalit nya ang dati mga taong dati gusto sya dahil sa attitude problem na meron sya. Sa TV commercial man o ads, syempre plastikan na lang yan, kung maganda kasi feedback nung sa smdc di sila magbabago ng model, kaya sya pinalitan, pangit yung feedback... kung magand afeedback irerenew conract nya, kaso sa sobrang sama ugali nya yan bumalik sa kanya... laos na marian kasi til now di pa rin nagbabago, patuloy pa rin sama ugali nya, kasi patuloy na kinakampihan ng GMA. Kaya hanggat di natatapos away nila ni heart, magpapatuloy pa rin ang pababa ng pababa kasikatan nya. at ang bilis ng karma, kung nao taas nya non, sandali lang ang baba na nya ngayon.... kaya yan laos nga si marian..

KPOP

My Blog List

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails