.....

nufnang

nuffnang

Sunday, August 15, 2010

JOEY MAGRERESIGN! GMA INTERESADO KAY WILLIE?!

Malakas ang ugong na nagkakaroon na ng interes ang GMA 7 na saluhin ang tv host na si Willie Revillame.

Ito ay matapos mag-issue ng statement kamakailan lang ang GMA na wala raw silang offer sa tv host na pinarusahan ng ABS-CBN dahil sa kabastusan nang hamunin ang nagbigay sa kanya ng kayamanan.

Lalo pang marami ang nag-isip dahil sa mahabang interview ni Mike Enriquez ng 24 Oras kay Revillame last Friday night na live sa bahay nito kasama ang kanyang abogado.


Wala naman daw bagong sinabi ang nasabing tv host na nagdeklara last week pa na wala na siyang kontrata sa Dos kahit malinaw pa sa sikat ng araw na hanggang September 2011 pa siyang nakatali sa dati niyang home studio.

Binibigyan naman siya ng show, ayaw nga lang daw ni Revillame kaya walang lusot na wala siyang offer, at ang sinasabi niya ngayon ay puwede na raw siyang makipag-deal sa ibang channel kaya may nagsasabing iniisip daw ng GMA na i-consider si Revillame.

Saan kaya siya ilalagay eh kalilipat pa lang ni Edu Manzano?

Anyway, bakit nga kaya live siya sa 24 Oras?

Nakatulong naman kaya siya sa rating ng news program ng GMA 7?

Matapos mag-live sa Friday edition ng 24 Oras, ipinalabas na naman kagabi ang nasabing interview ni Revillame sa weekend edition ng nasabing programa sa GMA 7. Kaya ang feeling ng marami, baka nga nagbago na ang isip ng Kapuso channel? Baka type nilang maging tagasalo?

Kaya lang, balitang may banta si Joey de Leon oras na kunin ng kanyang home studio ang matindi niyang kalaban, magri-resign daw si Joey.

Kahapon, hindi na napanood si Joey sa Startalk.

Salve Asis
Pilipino Star Ngayon

3 comments:

sikreto said...

i've watched the premiere of IN UR EYES last night sa mega mall..

Im a certified kapamilya pero nanood pdin aq dahil andun c anne curtis at binigyan kmi ng road manager nia ng movie passes.. so syang nmn pag hnd q gnamit..

anyways just a review..

dahil GMA FILMS ang gumawa nito i lowered down my expectations.. as expected "so-so" lang ang movie na ito.. it thought it was a romantic drama film.. but its not.. wlang mga lines na tlgang tumatak.. wlang mabbigat na emosyon.. hbang pinapanood q xia prang nanunuod lng ako IN mY LIFE at DUBAI (teka bida dito c clau db?) .. actually, for me lng nmn ha.. prang copy cat lng ang story ng in ur eyes sa dubai and in my life..

puros KISSING SCENE! GRABE! eto na yta ang pinakamalalang kissing scene ni anne curtis TO DATE!

dinaan ni mac alejandre sa kissing scene ang buong MOVIE!

on the other hand, napaka- bano tlga umarte nitong c Richard Guttierez(STORM).. juice q ang tagal na sa industriya pero bano pa din lalo na nung "NAGMURA" siya sa isang scene na nahuli sila ni julia na nkkpghalikan kay ciara.how pathetic !

at xempre hnd nmn tau binigo sa pagarte ni claudine at anne dahil magaling nmn sila pareho.. un nga lang prang may kulang.. habang umiiyak sila wlang tama sa puso ang mga eksena.. WALANG DATING!!

--

at eto pa ang mas nkakawindang sa lahat! bago mgstart ang movie ipinalabas muna ang trailer ng PETRANG KABAYO from VIVA FILMS (na halos KAPAMILYA lhat ang CAST).. super tawa kami to the max! at ung mga kapuso artists at GMA FILM execs na andun tawa din ng tawa kay VICE GANDA!

o db hnggang sa sinehan KAPAMILYA winner!

pennywise said...

di ipagpapalit ng gma c joey kay willie! kung talent at ugali ang pag-uusapan.. wlang-wla c willie kay joey! at subukan lng tlgang kunin ng gma si willie.. iboboycoot nmen hows na ibibigay sa kanya!

Anonymous said...

naku gma pag kinuha nyo yan c willie mas lalong walang manood sa show nya !wag nyo nang kunin yan !dahil kng ano gnawa nya sa abs tyak ganon din gawin nya sa gma !pag sumikat yan mas lalong yumayabang kala nya cya na hari !tingnan nyo pati ang abs na nagpayaman sa kanya kinalaban nya !

KPOP

My Blog List

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails