.....

nufnang

nuffnang

Saturday, August 21, 2010

ABS-CBN: GUSTO NYANG IPATANGGAL SINA POKWANG AT MARIEL, WILLIE HINDI PA NATUTO!


Sa pahayag ng Senior Vice President for TV and Entertainment Production na si Linggit Tan, sinabi nito na walang kasunduan ang ABS-CBN management at si Willie na babalik na ang controversial TV host sa Wowowee noong July 31. “Ang suspension ni Willie ay matatapos sa August 24 pa,” sabi ni Tan. “Si Willie ang may gustong bumalik na siya sa Wowowee noong July 31.” Pero hindi umano pumayag ang management na mangyari ito bilang pagbibigay halaga sa damdamin ng mga manonood na ang iba ay tutol talaga sa pagbabalik sa telebisyon ni Willie.

Naniniwala umano ang ABS-CBN na hindi pa nagbago ang host matapos ang mga nangyari dahil nagbigay pa umano ito ng kondisyon sa kanyang pagbabalik sa kanyang show, tulad ng pagtanggal kina Mariel Rodriguezi at ni Pokwang bilang co-hosts. Dapat din daw siyang suwelduhan sa panahon ng kanyang pagkakasuspinde. “Naniniwala ang management ng ABS-CBN na dapat munang isabuhay ni Willie ang pinahahalagang work values at ethics ng ABS-CBN bago siya bumalik sa telebisyon,” sabi ni Tan.

Depensa pa ng management wala silang obligasyon na bayaran si Willie nung suspendido ito dahil inamin ng host ang kanyang pagkakasala nang magsalita ito sa Wowowee noong Mayo 4. Wala rin umanong obligasyon ang management na bigyan siya ng kapalit na show sa pagkakasuspendido niya sa Wowowee.


Wala rin daw sa lugar ang akusasyong siniraan ng ABS-CBN ang kanyang imahe dahil public personality siya kaya sakop siya ng news reports. Gusto rin diumano na ituloy ng ABS-CBN ang pagho-host ni Willie pero nasira siya dahil sa ginawa niya. Naninindigan ang ABS-CBN na dapat umanong bayaran ni Willie ang kanyang kontrata kung ayaw na raw niyang mag-host sa TV station. Sinabi naman ng lead counsel ni Willie na may karapatan diumano ang host na kumalas sa kontrata. Kung tumanggi man umano ang host ay idadaan ng ABS-CBN management sa legal na proseso ang lahat para protektahan ang karapatan at interes ng TV station.

Courtesy of ABS-CBN

3 comments:

sweety_plum said...

una ako!! ahahaha

Anonymous said...

abscbn makakarmayan sa bandang huli.believe me.puro kasinungalingan

Anonymous said...

go abs cbn,nasa panig nyo kami,kasuhan nyo nalang yang c willie at isama narin yang cristy fermin na yan !walang gnawa kundi craan cna kris at pokwang !gud luck abs !kapamilya no.1 kayo !congrats !

KPOP

My Blog List

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails