.....

nufnang

nuffnang

Saturday, June 26, 2010

JOVIT MAY ATTITUDE PROBLEM?

KAPAPANALO LANG NI Jovit Baldivino sa Pilipinas Got Talent pero balitang may attitude problem na ito. Hindi kami naniwala no’ng una kasi kung papanoorin mo lang siya sa kanyang mga appearances sa TV, matutuwa ka na ang bait-bait ng dating niya. Na simpleng-simple at tatame-tameme na typical probinsiyano nga kung umasta pero kapag kumanta na, lahat mapapanganga na sa paghanga.



Not until nakaharap namin siya in person last time na nag-guest siya sa The Buzz. After his live interview, in-approach namin kung puwedeng ma-interview. Pumayag naman at ang sabi ng lalaking kasama niya, sa dressing room na lang daw.

Sa hallway, may dalawang TV crew na nakaabang na naunang nag-interview kay Jovit. At no’ng kami na ang mag-i-interview sa kanya, nag-iba ang mood ni Jovit nang makitang mini-voice recorder lang ang aming dala at wala kaming kasamang crew na may TV camera.

Biglang nagdayalog siya ng,“Pagod na po ako at saka inaantok na.”

Gano’n? Sa TV crew lang niya gustong magpa-interview, sa taga-print hindi na niya feel?

Alas-sais pa lang ng gabi, inaantok na siya. Gaano na ba siya ka-busy para kulangin ng oras na itutulog? Gano’n nga raw ang madalas na nagiging bukambibig ni Jovit – inaantok siya.

Antok din kaya ang dahilan kung bakit inindiyan niya ang interview sa kanya ni Ted Failon para sa programa nito? Balitang nagalit nga raw ang broadcaster kay Jovit.

At dahil diyan, gusto namin siyang bigyan ng title – Jovit: Ang Antuking Batangueño! At kung ganyang lagi siyang inaantok, baka magpatulog-tulog na kaagad ang singing career na kanyang inuumpisahan pa lang.

‘Yon na!

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

20 comments:

CoolSparks said...

ANG GANDA NI TONY SA PROD NUMBER ...^^

pennywise said...

expected na yan! kc tindero lng xa ng siomai dte.. malamang ganyan tlga ugali nyan kc nagevolve xa ng sobra-sobra.. normal lng yun.. pag nalaos yan babait den yan

Anonymous said...

@pennywise

hanep kang manlait, no wonder kapuso ka nga. "tindero lang xa" - magpasalamat ka na lang na hindi ka salat sa yaman. harinawa maging matagumpay ka sa mga tinatahak mo kasi walang tao ang nagtatagumpay sa mga mapanlait. Hindi ko alam kung nababayaran ka ng bulok mong istayon sa pagtatangol sa kanila.

pwede mo namang gawin ang gusto mo na walang dapat laitin. Mag-isip ka bakla, baka karma ang gumanti. huwag kang masyadong naniniwala sa mga nasusulat - laging one sided lang ang mga yan. chumupa ka na lang para hindi ka makapagsalita ng masakit sa kapwa.

sweety_plum said...

@pennywise:

maingat ka sa pananalita mo pennywise. wag ganyan kasi lahat tayo meron mga negative sides, kahit ikaw, ako o sila.. ok?

@network war

opoh ganda ni tony, tsaka cute si mariel sa make up niya. ahehehe pero ito ang haneepp "GWAPO TALAGA NI IVAN!" ahahaha

CoolSparks said...

ahaha..hindi ko na napanood sina mariel...nagswitch sa cartoon network ung kapatid ko...SPIDERMAN KC palabas...hehehe

btw pansin ko, ganda kanina ng Caludine...at naka 11 ads sya sa isang gap ha...hehehe

Anonymous said...

yeah maganda naman talaga ang claudine.may problem nga ang batang ito,jovit.tama naman si pennywise.feel ko lng di ito gaganda ang career ng batang ito.baka di lng cguro nya feel ang tvnetworkwar site na ito.ahehehe.o bka hindi nya gusto ang mukha ng mga mg interview sana sa kanya.ahehehe.joke peace.basahang ginto panalo ang acting ni carla abellana

sweety_plum said...

@network war

ahehehe. cute poh si mariel.. about sa claudine, pasensiyahan nalang kami, kasi kasbay ng pag alis niya sa abs ang paglaho ng pagkagusto ko sa kanya bilang artista. idol ko siya noon lalo na sa mula sa puso, pero bigla na lang naglaho yun, ewan ko ba, basta parang wala na. ahaiz

sweety_plum said...
This comment has been removed by a blog administrator.
CoolSparks said...

sa gap 2 ata yun na 11 ads ang cludine at 11 ads din ang MMK...


pero nung gap 3 nakalamang na ang MMk ng mga 4 ads...


uy bilangin nyo naman mga ads ng ibang show then tell me ha...hhehehe^^

Anonymous said...

napanood ba niyo yung Pinoy big brother last night diba nagguest siya dun...puro putol putol ang pagkanta niya......

pennywise said...

normal lng yan! ganyan den dte ugali ni ejay pagkatpos manalo.. hayaan nio n lng cla kc sanay cla sa paghihirap ngaun lng cla may pagkakataong magyabang.. nsa pgt p lng yan hindi na nagpapakita ng humility.. sbe nila ang taong di marunong lumingon sa pinanggalingan.. maliligaw!

@anonymous(middleeast)

cge panindigan mo yang anonymous kuno mo! you ain't fooling anybody

ELO PO said...

tingin ko ang may attitude problem d2 inde si jovit kundi si PennywisE..ahem ahem

Michael said...

sige gawan nyo lang si jovit ng controversy at issue para lalo siyang sumikat. go go idol jovit! wag mo intindihin yung mga naninira sayo.

ןɐɹʇnǝu said...

watched his prod sa "You Got Talent" (post PGT finals show) couple of weeks ago... at halatang sinapawan niya ang Sugarfree... then just last Saturday, saw him singing alongside Toni Gonzaga, this time mukhang tamed na siya (at in character siya sa robo theme na mukhang in-enjoy niya to the point when he seemed out of tune already and Toni needs to butt in)... In short, mukhang may tendency ang batang to...

Anonymous said...

Pretty! This has been a really wonderful article. Thanks for providing this info.
Check out my page ; yourfastcashloans

Anonymous said...

Sweet blog! I found it while browsing on Yahoo News.

Do you have any suggestions on how to get listed in Yahoo News?

I've been trying for a while but I never seem to get there! Thanks
Feel free to visit my blog :: quick cash loans

Anonymous said...

I do not even understand how I ended up here, however I assumed
this publish was once great. I do not recognize who you're but certainly you are going to a famous blogger in case you are not already. Cheers!
Here is my blog post : soziologie.uni-halle.de

Anonymous said...

Great blog here! Also your site loads up very fast! What host are you using?

Can I get your affiliate link to your host? I wish
my site loaded up as quickly as yours lol
Also see my website :: your quick cash loan

Anonymous said...

Hello there, I discovered your site by the use of Google
while looking for a related topic, your website came
up, it appears to be like great. I have bookmarked it in my google bookmarks.

Hello there, just was aware of your blog thru Google, and found that it's really informative. I'm going to be careful for
brussels. I'll be grateful if you happen to continue this in future. A lot of folks will likely be benefited out of your writing. Cheers!
Also visit my blog post ... stlab.Dsi.unifi.It

Anonymous said...

I was curious if you ever considered changing the page layout of
your website? Its very well written; I love what youve got to say.
But maybe you could a little more in the way of content so people could connect with it better.
Youve got an awful lot of text for only having 1 or two
images. Maybe you could space it out better?
Also see my webpage - AE Same Day Loans

KPOP

My Blog List

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails