Pages

Thursday, October 18, 2012

TV5'S MMFF ENTRY PULLED OUT!

Nakakuha ng impormasyon ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na hindi na matutuloy ang Mga Kuwento Ni Lola Basyang bilang isa sa entries sa 2012 Metro Manila Film Festival.

Produced by Unitel Pictures at Studio5 (ang movie arm ng TV5), ang twinbill movie na ito ay isang family adventure comedy.

Ito ay may dalawang episodes sana: “Mariang Alimango” at “Pedrong Walang Takot.”

Ang bida sana ng “Mariang Alimango” ay si Alex Gonzaga sa ilalim ng direksiyon ni Chris Martinez. Ang ibang co-stars ay sina Zsa Zsa Padilla, Sam Concepcion, at Nadine Samonte.

Samantala, ang bida ng “Pedrong Walang Takot” ay si Edgar Allan Guzman at ang director ng episode na ito ay si Jerrold Tarog. Kasama rin dapat sa segment na ito sina Empress Schuck, Gelli de Belen, Mylene Dizon, Ian Veneracion, at Pen Medina.

Sa isang phone interview na naganap ngayong hapon, October 17, inamin ni Chris Martinez sa PEP na “nanghihinayang” siya dahil sa balita na ito.

Aniya, “Definitely, it’s not pushing through due to the decision of the producers. It’s better na sila ang magpaliwanag sa inyo kung bakit.

“Basta, ako nanghihinayang.”

Ayon sa direktor ng mga pelikula na 100, Here Comes the Bride, at I Do Bidoo Bidoo, hindi pa sila nagsimula ng shooting bagamat nakapag-story conference na sila para sa “Mariang Alimango.”

Ang script ay isinulat ng Palanca Hall of Famer na si Dr. Eugene Evasco.

Bagamat hindi matutuloy ang Mga Kuwento ni Lola Basyang bilang MMFF entry, may magandang plano naman daw ang producers para sa naturang proyekto.

Kuwento ni Direk Chris, “Parang balak nila ituloy next year but not for MMFF. Sabi nila, puwede individual films na lang. Parang separate movies na lang.”

Ang iba pang entries ng 38th edition ng MMFF ay ang sumusunod: Sosy Problems (GMA Films), El Presidente (Scenema Concept Int’l Inc.), One More Try (Star Cinema), Sisteraka (Star Cinema/Viva Films), Shake Rattle & Roll 14 (Regal Entertainment), Si Agimat Si Enteng Kabisote and Me (OctoArts Films/M-Zet Productions/Imus Productions/APT Entertainment/GMA Films); at The Strangers (Quantum Films).

Nang tanungin naman ng PEP si Guia Gonzales ng Unitel tungkol sa balita na ito, inamin niya na nagpadala na sila ng letter upang i-pullout ang Mga Kuwento Ni Lola Basyang mula sa MMFF.

No comments:

Post a Comment