Pages

Thursday, July 5, 2012

GMA-7 HINARANG ANG APPEARANCE NINA OGIE AT REGINE SA ABS-CBN!

MARAMI ANG nag-text sa amin matapos ipalabas ang Icons at the Arena concert sa ABS-CBN last Sunday night kung bakit wala raw sa airing ang mag-asawang Ogie Alcasid at Regine Velasquez gayong nag-perform naman daw together ang dalawa, na itinuturing na rin naman na local music icons, nu’ng gabi ng pagtatanghal.

Base sa aming napag-alaman mula sa aming mapagkakatiwalaang source, hindi diumano pumayag ang GMA-7, kung saan may existing exclusive TV contract ang mag-asawa, na isama sa TV airing ng concert sa Kapamilya Network ang performance nina Ogie at Regine na nag-duet ng kanilang mga original na kanta dahil nga raw sa kanilang eks-klusibong kontrata bilang Kapuso artists.


Kaya kahit sa huling bahagi ng show kung saan kumanta ang lahat ng performers ng Impossible Dream para kay Henry Sy ng SM, minabuti na lang daw ng produksiyon na hindi na pa-kantahin pa sina Ogie at Regine kung bawal din lang naman daw silang lumabas sa Dos once na umere ito, at dahil baka maging mahirap din para sa kanila (production) na i-edit out ang parte ng dalawa kung sakaling kasama sila since isa iyong group number.

Paboritong kanta raw ng SM honcho ang Impossible Dream, kaya kahit hindi ito OPM song ay ipinakanta na rin ‘yon sa ating mga music icon bilang ending song matapos mapanood ang music video ni Gary Valenciano (na out of the country nu’ng gabing ‘yon), kung saan kinanta nito ang original composition ni Ryan Cayabyab na Song for a Father dedicated to Mr. Sy. Besides, proyekto raw kasi talaga ng SM ang natatanging palabas para sa grand launch ng MOA Arena na nagkakahalaga raw ng P4 billion!

Going back to Ogie and Regine, pumayag lang umano ang GMA-7 na ipakita ang mga larawan ng dalawa at banggitin ang kanilang mga pa-ngalan sa ABS during the promotion only bago ganapin ang concert nu’ng June 16. Pero after daw no’n ay hindi na raw puwede, gaya ng sa teaser ng TV airing, ayon sa aming source.

Nang malaman daw ng mag-asawa ‘yon ay nanghinayang at nalungkot diumano sila at wala rin daw ibang nasabi si Regine kung hindi, “sayang nga, eh”. Kaya lang, wala raw silang magagawa.
Dahil sa kahusayan, kahit na last minute, sina Dulce at Rachel Alejandro raw agad ang pumasok sa isip ng production na ipalit kay Zsa Zsa Padilla the night before the concert nang kailanganin nitong itakbo bigla sa ospital ang kanyang long-time partner na si Tito Dolphy na naunawaan naman daw ng lahat.

At gaya nang una naming naiba-lita sa inyo dito sa aming column, kasama raw dapat si Charice sa nasabing historical concert, kung saan minsan lang magsama-sama ang ilan sa ating mga iconic singers, pero naiba nga raw ang ihip ng hangin. So, gaano kaya katotoo ang nakarating sa amin na ang talent fee raw ngayon ni Charice ay nagre-range diumano mula P1-3 million?

14 comments:

  1. ganon din naman concert nga ni regine at ogie nang ipalabas sa gma di nga nakita si vice at angeline!!

    ReplyDelete
  2. AGREE CONTRACT VS.CONTRACT THAT'S LIFE...REALITY BITES IN SHOWBIZ

    ReplyDelete
  3. kasi sabi ng gma di naman totoong icons sina regine at ogie bakit pa nga daw papalabas eh laos na yung talent nila.


    sa tagal tagal ni regine velasquez kung sasabihin mo din naman sa galing at galing, di pa din eh. ni di nagkaroon ng international exposure at dapat kilala sya ng buong mundo...

    ReplyDelete
  4. GRabe nman GMA p mismo nag sbe n hnde nman sila totoong ICON?

    SAd nman..saglit lng nman un SAYANG nman...

    but DAT'S life...my contraccc sila.

    ReplyDelete
  5. Icons talaga sina Regine at Ogie no! Malaki ang nai-contribute ng dalawa sa OPM. AT kilala si Regine sa buong mundo. nakatrabaho nga niya yung mga choreographers ng Miss Universe.

    Kontrata lang talaga ang problema pero sayang talaga.

    ReplyDelete
  6. bitter ang kapuso station kasi hindi sa kanila ipinalabas ang ICONS AT THE ARENA HAHAHA...

    MASKI KASI NG MGCELEBRATE ANG SM NORTH EDSA NG 25TH YEAR ANNIVERSARY NILA...HINDI RIN GMA 7 ANG KINUHA TO HOST THE EVENT KUNDI ANG CHANNEL 2...

    WELL, MAPA PROCTER AND GAMBLE 75TH YEAR ANNIVERSARY, UNILEVER, ETC...ABS-CBN 2 ANG KINUKUHA TO HOST THEIR EVENTS.....

    MAS MARAMI KASING SIKAT SA CHANNEL 2, MAS PINAPANOOD..

    TANGGAPIN ANG KATOTOHANAN MGA KAPUSO.....MAPAIT TALAGA ANG AMPALAYA HAHAHAH.....

    AT MATAMIS ANG TAGUMPAY NG ISTASYONG TUNAY NA NO.1....ABS-CBN 2 YUN...

    HAHAHAHA..

    ReplyDelete
  7. ^
    ^
    ^
    TAMAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA...

    ReplyDelete
  8. @6 Baka eere ng ABS-CBN ng ICONS telecast na edited dahil dyan!

    ReplyDelete
  9. off topic...

    NGLABAS NA NG SURVEY ANG AGB FROM JULY 2 TO 5, kapansin pansin ang biglang pagtaas ng ratings ng ibang shows nila lalo na ung morning at late evening....para macover up yung pagkatalo nila mula sa princess and i, walang hanggan at lorenzos time...

    para pagka-ng-total nga naman lamang pa rin sila....

    akala naman nila malilinlang nila ang mga advertisers....

    kaya ang layo tuloy ng difference ng ad revenues na pumapasok sa dos at syete........sus...SOBRANG LAKI NG SA DOS, ALAM KASI NG LAHAT NA MAS PINAPANOOD ANG MGA PROGRAMA SA DOS..

    DILAT PO, GISING AT HINDI MANGMANG ANG MGA TELEVIEWERS AND ADVERTISERS!!!

    July 6, 2012 6:47 PM

    ReplyDelete
  10. in your dreams kapapampam, mas Credible parin ang GMA, at mas profitable kaysa sa chanel mu! 388 million net first Quarter, abs 308 millon lang! paano paniwalaan ng mga advertisers ang chanel mu kung ang KAntar mu ay kulang at di akma ang mga panels nila? aber di tanga ang mga advertisers ! syempre doon sila sa mas akma at mas maraming panels, na AGB!peace.. ther you are ..

    ReplyDelete
  11. ^
    ^
    ^
    Hanggang ngayon bulag ka pa rin. Hoy gising!hihi

    ReplyDelete
  12. bakit may nagssabing si regine ay di Icon? FYI! Si regine ang Queen of the Philippines mUsic Industry! Sino ba ang makaktalo sa kanya hanggng ngayon? wala pa akong nakikitang pwedeng makatalo sa kanya pagdating sa HUSAY sa kantahan at kahit sa Achievemnt bilang isang singer!

    ReplyDelete
  13. Anonymous said...

    in your dreams kapapampam, mas Credible parin ang GMA, at mas profitable kaysa sa chanel mu! 388 million net first Quarter, abs 308 millon lang! paano paniwalaan ng mga advertisers ang chanel mu kung ang KAntar mu ay kulang at di akma ang mga panels nila? aber di tanga ang mga advertisers ! syempre doon sila sa mas akma at mas maraming panels, na AGB!peace.. ther you are ..

    --------------------
    in your nightmares, Kapus-o. Yung gross income nyo nga eh expenses lang ng ABS. Wag kasi puro tabloid ang binabasa mo kasabay ng pagkain mo ng noodles at sardinas at paginom ng 3-in-1 na kape.

    ReplyDelete
  14. Anonymous said...
    bakit may nagssabing si regine ay di Icon? FYI! Si regine ang Queen of the Philippines mUsic Industry! Sino ba ang makaktalo sa kanya hanggng ngayon? wala pa akong nakikitang pwedeng makatalo sa kanya pagdating sa HUSAY sa kantahan at kahit sa Achievemnt bilang isang singer!
    --------------------------
    Si Marcelito Pomoy lang ang tatalo sa regine mo. hihihi

    ReplyDelete