Pages

Wednesday, June 6, 2012

WILLIE NAGPASALAMAT SA THE FILIPINO CHANNEL NG ABS-CBN!

Kung matagumpay ang Wil Time Bigtime/KTV5 (Kapatid TV5 International) launch show sa Shrine Auditorium sa Los Angeles, mas matagumpay ang launch show sa Bill Graham Civic Auditorium noong Miyerkules.

Sobrang saya ni Willie Revillame at hanggang noong Linggo na pabalik na kami sa Pilipinas ay hindi pa rin matigil-tigil ang pasasalamat niya sa lahat ng naging bahagi ng malaking tagumpay rito ng Kapatid network launch.

Nang magkita kami ni Willie sa after show blowout sa The Law Offices of Michael J. Gurfinkle (at ng misis niyang si Millie), panay ang tanong niya sa akin kung ano ang feedback sa Pilipinas ng launch dito sa Westcoast ng KTV5.


Sabi ko kay Willie, nakakarating sa atin ang tagumpay sa L.A. at Bay area ng Wil Time Bigtime/KTV5 launch shows.
Napakasaya ng show ni Willie na sinalihan nina Ruffa Gutierrez, Aga Muhlach, Derek Ramsay, Mariel Rodriguez, Camille Villar at Nora Aunor.

Mas sumaya ang lahat nang manalo ng bahay at lupa ang isang ale na may beneficiary rito sa Pilipinas.
Syempre pa, namudmod ng napakaraming pera si Willie.

Nagpasalamat si Willie sa TFC (The Filipino Channel) dahil sa international channel ng ABS-CBN ay nakilala siya noon sa Wowowee at hanggang ngayon ay minamahal ng mga tao sa Amerika.

Enjoy rin sa panonood ng show ni Willie ang big boss ng TV5 na si Mr. Manny V. Pangilinan kasama ang ilang executives niya sa pangunguna nina Bobby Barreiro, Ito Ramirez (big boss ng KTV5) Jeff Remigio, Luchi Cruz-Valdez, Chaye Cabal-Revilla (misis ni Bacoor Mayor Strike Revilla at sister-in-law ni Sen. Bong Revilla) at iba pa.


8 comments:

  1. DAPAT lng sya magpasalamat kc hnde dhil s TFC hnde sya SISIKAT ng ganyan.

    ReplyDelete
  2. one word 2 describe willy....

    PLASTIC.....

    ReplyDelete
  3. He wouldn't be who he is today and have all the possessions he has if it weren't for ABSCBN. Side kick lang siya dati. He wasn't even a popular comedian. Kung hindi dahil sa noontime shows ng ABSCBN, hindi siya sisikat at yayaman. Sana he would stop bashing Channel 2 and continue thanking the people who helped him get where he is now.

    ReplyDelete
  4. NAGPASALAMAT KASI UNG MGA TFC SUBSCRIBER EH NAGING TV5 CHANNEL SUBSCRIBER NA,,,,HAHAHHA....KAYA SIYA NAGTHANK YOU

    ReplyDelete
  5. paano k nman nka cguro n nag subscribed ang mga TFC subscriber s TV5?,
    Plastic yan c willie, kunyari pra makakuha ng mga taong mag subscribe s kanila....as if, asa pa!

    ReplyDelete
  6. Anonymous said...

    NAGPASALAMAT KASI UNG MGA TFC SUBSCRIBER EH NAGING TV5 CHANNEL SUBSCRIBER NA,,,,HAHAHHA....KAYA SIYA NAGTHANK YOU


    ITO UN SAGOT S WALNG K KWENTANG KWENTANG COMMENT MO!!!

    Nagpasalamat si Willie sa TFC (The Filipino Channel) dahil sa international channel ng ABS-CBN ay nakilala siya noon sa Wowowee at hanggang ngayon ay minamahal ng mga tao sa Amerika.

    http://www.pinoytvpolice.blogspot.com/2012/06/willie-revillame-nagpasalamat-sa-tfc.html#more

    ReplyDelete
  7. TV5 Launching sa Amerika, 'di masyadong dinumog dahil tinapatan ng ABS-CBN

    May mga binanggit pa sa amin ang taga-TV5 na hindi naman daw lahat ng shows nila ay punumpuno dahil marami pa rin daw loyal sa ABS-CBN na TFC subscribers.

    At least mapapanood na sa ibang bansa ang mga programa ng TV5 lalo na ang mga serye nila na hindi raw kilala ang mga artista ng mga kamag-anak, kaibigan, at kaklase namin.

    SOURCE: Hataw Tabloid

    ReplyDelete
  8. Ano nmang mapapanood nla sa tv5!?cartoons?cheap dramas?haha XD

    ReplyDelete