.....

nufnang

nuffnang

Tuesday, June 5, 2012

GMA-7 WAGI NANAMAN SA KORTE!

Manila, Philippines -  Pinaboran ng Regional Trial Court (RTC) Branch 26 ng Naga City ang GMA Network, Inc. (GMA) sa isang kasong sibil na isinampa laban sa abogadong si Fabian Mendez. Nagbenta si Mendez sa GMA ng apat na pirasong lupang may sukat na 1,083 square meters sa Concepcion Pequeña, Naga City.

Kinasuhan ng GMA si Mendez dahil sa hindi nito pagtupad sa mga obligas­yong naitakda sa Deed of Conditional Sale na napagkasunduan noong February 1998.

Sa Deed of Conditional Sale, kinailangang magsumite si Mendez ng ilang dokumento isang buwan matapos mapirmahan ang kontrata upang malipat sa GMA ang pag-aari ng nasabing lupa.


Binili ng GMA ang lupa mula kay Mendez sa halagang P3,790,500 upang paglagyan ng mga tower at transmitter. Sa proseso ng pagkakabit ng mga na­sabing broadcast equipment sa nasabing property, pinigilan ang GMA ng isang nagngangalang Fortunato Mendoza na di-umano’y nagmamay-ari ng ka­tabing lupa. Hinarangan ni Mendoza ang right of way na tumutumbok sa lote ng GMA. Ayon kay Mendoza, handa siyang ibigay ang right of way sa GMA kapalit ng kaukulang bayad.

Ayon kay Mendez, hindi siya dapat sisihin dahil hindi nabigyan ng right of way ang GMA. Sa halip, ibinunton niya ang sisi kay Mendoza, na kanyang kina­su­­han dahil dito. Hindi rin ibinalik ni Mendez ang perang ibinayad ng GMA at pi­­­na­nindigang walang batayan ang aksiyon ng broadcast company laban sa kanya.

Sa 15-page Decision na sinulat ni Naga RTC Judge Filemon Montenegro na inilabas noong May 10, 2012, kinansela ng Korte ang Deed of Conditional Sale at inutusan si Mendez na ibalik ang pera ng GMA  na may 12% interest ka­­da taon mula nang mabili ang lupa noong February 24, 1998.

Ayon kay Judge Montenegro, may karapatan ang GMA na kanselahin ang Deed of Conditional Sale dahil hindi natupad ni Men­­dez ang kanyang mga obli­gasyon at garantiya sa nasabing kontrata. Hindi rin nagawa ni Mendez ang ob­li­gasyon niyang ipawalang-bisa ang Notice of Lis Pendens (suit pending) na nakalagay sa likod ng titulo ng lupa dahil sa Complaint for Annulment of Sale na isinampa ni Weller Jopson noong 1991. Si Jopson di-umano ang bona fide tenant-farmer ng nasabing lupa.

Sinabi ng Korte na hindi nasunod ni Mendez ang mga legal warranty na magbibigay ng access at legal na pag-aari ng lupa pabor sa GMA. Ikinubli at pinasinungalingan ni Mendez ang kawalan ng road right of way tungo sa nasabing lupa. Binigyan ni Mendez ang GMA ng kopya ng location map na nagpapakita ng isang daan at right of way tungo sa binibentang property, ngunit ang nasabing right of way ay napatunayang huwad dahil pribado itong pag-aari ni Mendoza. Kung nalaman lamang ng GMA na hindi totoo ang nasabing right of way, hindi ito makikipag-transaksiyon kay Mendez.Dahil sa patuloy na pagtanggi ni Mendoza na pa­­­daanin ang GMA tungo sa nabili nitong lupa, na­­pilitan ang GMA na magtagal sa roof deck ng Na­ga College Foundation na kanilang nirentahan bago nito nabili ang nasabing lupa. Dahil dito, nag­­karoon ng karagdagang gastos ang GMA sa pag­renta ng puwesto na umabot sa P228,682.

Inutusan din ng Korte si Mendez na bayaran ang GMA ng mahigit P400,000 para sa actual at exemplary damages sa paglabag nito sa mga warranty na nakadetalye sa Deed of Conditional Sale.

Ayon pa sa Korte, “Mendez acted in bad faith and in a wanton, fraudulent, reckless, oppressive or malevolent manner when he sold the subject pro­per­ty to GMA knowing their defects and for breach of warranty.”

2 comments:

Anonymous said...

next topic... baryang issue

Anonymous said...

FOR SURE NI PISO WALA KA..BOBA

KPOP

My Blog List

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails