Pages

Monday, June 11, 2012

MISS WORLD PHL ON LEAVING GMA-7: WE FEEL TV5' PROFESSIONALISM!!

Noong isang taon ay sa GMA-7 unang napanood ang Miss World Philippines, kung saan nanalo si Gwendoline Ruais na eventually ay nanalo namang Miss World 2011 First Princess.

Ito ay makaraang ibigay ng Miss World organization ang Philippine franchise nito sa beauty and wellness guru at CQ Global Quest Inc. chairperson na si Ms. Cory Quirino.

Dating nasa Binibining Pilipinas Charities, Inc. ang franchise ng Miss World. Pero nagdesisyon ang Chairwoman at CEO of Miss World Limited na si Julia Morley na ibigay na sa iba ang exclusive license agreement ng Miss World sa Pilipinas.

Nagkataon namang si Cory ang pinili at pinagkatiwalaan ng franchise ng Miss World.

Ngayong taon ay nagdesisyon si Cory na ibigay sa TV5 ang television coverage ng Miss World Philippines.

Ang grand coronation night ay mapapanood nang live mula sa Manila Hotel Tent sa Hunyo 24 ng gabi sa TV5.

Ginawa ni Cory ang announcement ng partnership ng Miss World Philippines at TV5 sa press presentation ng 25 official candidates ng naturang beauty pageant na ginanap sa Manila Hotel kahapon, June 7.

“This is to formally announce our partnership with TV5. Kaya officially, Kapatid na Kapatid na talaga ang Miss World Philippines.

“We can see that our pageant this year is very exciting kasi po ang pangako ng TV5 ay mas bongga, mas malaki, mas maganda, mas matindi.

“And so we are very hopeful that finally the crown of Miss World will go to the Philippines,” pahayag ni Cory.

Kaya naman sa question-and-answer portion ay hindi nakaligtas si Cory sa tanong ng press kung bakit TV5 ang napili niya pagkatapos ng GMA-7.

“Kasi tulad ng sinabi ko noon when we first talked with Atty. Ray Espinosa of TV5 and Mediaquest, sinabi ko na ang ibinigay ng TV5 po sa Miss World Philippines ay hindi lamang tirahan kundi pati na rin tahanan. Kaya hindi ako maka-hindi sa TV5,” paliwanag ni Cory.

Pagkatapos ng Q&A ay muling kinausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ms. Cory para sa mas detalyadong pag-usisa tungkol sa isyung ito.

Nagkausap ba sila ng GMA-7 bago niya tuluyang ibinigay sa TV5 ang Miss World Philippines?

“Definitely. Humingi ako ng permiso sa kanila.

6 comments:

  1. wat WAWA nman un GMA but its ok TV5/GMA iisa n din nman in the future.

    ReplyDelete
  2. we also enjoy their MONEY este manny pangilinan

    ReplyDelete
  3. ang bitter ng title...mashadong bitter ang admin....kaya pala puro nega sa gma..makaebs ang baklang admin.....

    ReplyDelete
  4. baka sa kangkungan na pupulutin ang mga kandidates ng miss world kasi lumipat sa tv 5, konti ang viewrs ng 5 kaya cigurado sa kangkungan sila. walang delikadesa, di ba alm ni mis quiri na ang GMA 7 ang kasalukuyng nangungunng tv station sa buong pinas!the most populr and profitable tv chnnel! hoy gising! puro pera ksi!

    ReplyDelete
  5. GMADoubleNo1Where?June 12, 2012 at 10:56 PM

    ^

    teh? Kape? AHAHAHA. Lugi at Binenta na ang GMA tapos sasabihin nyo na profitable? NGANGA kayo mga Kapuso ;)))))

    ReplyDelete
  6. mga kapuso dito nagbobolahan pa hahahah! lunukin nyo lahat, NGA nGA!

    ReplyDelete