Pages

Wednesday, June 27, 2012

CRISTY FERMIN: MAY PERMISO NI RUFA ANG MGA TANONG SA KANYA!

May mga nagulat sa biglaang pagbibitiw ni Ruffa sa programa dahil ayon sa ilang nakapanood ay mukha naman daw game si Ruffa at okay lang sa kanya ‘yong mga tanong na ibinulong sa actress-TV host.

Nang matapos daw umere ang programa masaya pa si Ruffa na nakipag-pictorial sa fans. Nakangiti pa siyang pumayag nang lapitan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) para kapanayamin.

“Wait lang, ha!” aniya sa PEP. “We’ll talk after a few minutes,” at pumasok muna siya sa dressing room sa Broadway Centrum kung saan ineere ang Paparazzi..


Ilang sandali lang nakaraan, nagulat ang PEP sa paglabas ni Ruffa dahil naka-shades na ito at mukhang galit na tila naiiyak.

“Saka na lang tayo mag-usap!” sabi niya at dire-diretsong umalis.

CRISTY'S REACTION. Ang isa sa co-hosts ni Ruffa sa Paparazzi na si Cristy Fermin ay naglabas ng kanyang niloloob hinggil sa nangyari kagabi, June 25, sa programang Juicy.

Mainit pa rin kasing pinag-uusapan ang isyu kaya hindi puwedeng dedma at tahimik lang ang beteranang TV host at kolumnista.

Kuwento niya, “Nagulat kami at nawindang.

"Kasi hanggang sa matapos ang programa, pababa na kami nina Mr. Fu at Zoren [Legaspi], si Ruffa ay masaya pa rin at kami ay iniimbita sa kanyang selebrasyon na, ayon sa kanya, ay magaganap ngayong darating na June 30.

“Wala talaga kaming napansin na anuman. Kaya nang may mga tumawag sa akin na nagsabi na nagagalit si Ruffa at kung anu-anong salita ang ipinapatungkol sa Paparazzi, maging ng kanyang ina, ako ay nagulat talaga at nalungkot.

“Dahil hindi kagandahan ang mga salitang inukol niya sa isang programa kung saan kaanib siya, di ba?

“'Yong mga 'trashy reporting...' Yoong mga gano’n.

"So nakakalungkot lang na sarili mong programa… mga kasama mo sa programa, ay masyadong namaliit ‘yong kapasidad.”

MORAL OF THE STORY. May dagdag namang pahayag din ang isa pang host ng Juicy na si Direk Joey Reyes.

Aniya, “In the spirit of fairness naman, and in the spirit of objectivity, si Ruffa is entitled to her opinion.

“Si Ruffa is entitled to her reaction kung anuman. Whether galing sa kanya o may nagsulsol sa kanya. Kung bakit gano’n ang reaksiyon niya after a bit, ‘no.

“A… pero tama ang sinabi ni IC. There is a professional way of handling this.

“Sana ang panalangin ko na lamang ay magkaayusan within the context of dapat magkaayusan. Internally, yes.

“Because hindi maganda na ‘yong mga magkakatrabaho ay nagkakasakitan.
;
“So, ang moral lesson diyan, hindi sagot sa bulong ang shout out!” pabiro pang nasabi ni Direk Joey.

3 comments:

  1. kung anong bato ang binato mo ay cya rin ibabato sayo,....

    matapos mong tira-tirahin ang channel 2, now it comes wat they called "karma"

    pana-panahon lang yan ^_^

    chos! period at walang comma

    ReplyDelete
  2. there are always three sides of an issue .ruffa's side.cf side and the truth .i go for the truth .kanya kanya opinion lang yan. who needs publicity anyway?

    ReplyDelete