Natatawang sabi naman ni Juday, “Unang-una, kasama siya sa kontrata.”
Sabi rin niya, “Magsisinungaling pa ba ko sa inyo kung sasabihin ko na gustong-gusto ko? Gusto ko naman.
"Hindi ko lang hinahanap yung puyatan. Hindi ko lang hinahanap yung
schedule na araw-araw na halos hindi ka na makauwi, hindi mo na makikita
yung mga anak mo.
“Pero yung ABS naman, guaranteed me na it’s not gonna be as hectic as before—noong dalaga pa ako.
"Sabi ko rin sa kanila, sa tunay na salita, wala namang pag-aarte na namumuo sa akin. Hindi ko lang talaga kaya ang puyatan.”
May cut-off daw siya ng 12 midnight.
Sabi pa ni Juday, “Gumigising naman ako ng alas-singko para ayusin si Yohan sa school.”
Si Sam Milby pa lang daw ang naririnig niyang makakasama sa bagong teleserye.
“Magkaibigan naman kami ni Sam. Pero malalaman ko this week kapag
halimbawa, natuloy ang storycon at look test, yun na siguro ang magiging
final casting.”
Mabilis na “Hindi, a!" ang sagot ni Juday nang tanungin kung siya ang namili ng leading man.
“Siyempre, may mga tanong pa rin na kesyo ganito, kesyo ganyan. Wala namang nahindian," aniya.
Bukod sa oras, may iba pa ba siyang ni-request bago siya pumayag na gumawa uli ng teleserye? May iba pa ba siyang demands?
"Actually, wala naman. Yung cut-off lang talaga. Ayoko lang noon yung for airing palagi na taping.
"Kasi, parang buong buhay ko na-experience 'yan. Memorize ko na 'yan kahit tulog ako.
"At saka kasi, kapag may airing na mamayang gabi, hindi mo na
mapupulido yung trabaho mo. Kasi, iniisip mo na kailangan, take one lang
‘to.
"Pag-uusapan kung hanggang anong month puwedeng i-can. Kasi sabi ko, baka puwedeng ayusin muna natin ang istorya.
"Kapag okay sa management, saka natin i-shoot. Para hindi rin tayo re-shoot nang re-shoot. Kasi, ganyan ang nangyari sa amin sa Habang May Buhay.
“I-can natin, pero huwag namang dalawang taon.”
CHOICE OF ROLES. Pagdating sa mga gagawin niyang teleserye, namimili ba siya ng role?
“Hindi, hindi. Lahat iyon under ABS, alam naman ng ABS kung ano yung mga carry kong gawin sa estado ngayon ng buhay ko.
“Sabi ko rin sa kanila, parang hindi na kakagatin ang loveteam sa teleserye lalo na kung ako ang gaganap.”
Iniiwasan din daw ni Judy Ann na mawalan ng oras sa pamilya ngayong may bagong teleserye at pelikula siyang gagawin.
“Kaya nga po kailangan na ano, naka-schedule nang maayos yung shooting kung saka-sakali mang mag-push through itong movie...
“Kasi iyon yung kailangan kong ayusin with ABS, kung paano ito magagawa nang hindi magpapatung-patong, kasi ang hirap 'pag wala ka nang choice.
“Ayoko namang magtrabaho nang malungkot ako, kasi hindi ko na nakikita yung mga anak ko.”
Exclusive contract artist si Judy Ann ng ABS…
“Sa TV production? Exclusive ako.”
SOURCE
WER CRISTY F?wer n u? another wrong issue from u..SABE u eh SAM MILBY lilipat s TV5 pag blik from state...heheheh....TANGA!!!
ReplyDeleteang daming demands...ikaw na
ReplyDeleteMas marami pang lalayas sa GMA-7
ReplyDeleteMay mga talent daw sa GMA-7 ang nagtatanong kung ano ang magiging kalagayan nila sa hinaharap dahil sa mga sinasabi ng mga may-ari ng network kaugnay sa plano nilang ibenta ito. Bagama’t sinasabi ni Mr. Gilberto Duavit, Jr. na not for sale ang istasyon, ang isa namang may-ari na si Mr. Felipe Gozon ay nagsasabi na sa tamang presyo ay handa nilang ibigay sa iba ang pagma-may-ari ng television network.
“If we receive an acceptable offer, then we will sell our entire stake in the company,” ito ang muling sinabi ni Mr. Gozon kamakailan lamang. Kapag sinabing entire stake yata ang ibig sabihin ang 77 porsyento pagma-may-ari ng mga Gozon, the Duavits and the Jimenezes ay mapupunta sa bibili nito plus ang 23 percent held by the public.
Eh, hanggang 45 billion lang daw ang offer ni Mr. Manny Pangilinan ng TV5 kaya hindi sila nagkasundo. Ang sabi ni Gozon ay 100 billion. Pa’no kung tapatan ito ni MVP? Tapos ang laban.
Kaya naman isa-isa nang nagaalisan ang mga talent ng Siyete. At kaylan lang si Rufa Mae Quinto hayun at umigpaw na parang pusa sa Kapatid network.
http://newsonph.blogspot.com/2012/05/mas-marami-pang-lalayas-sa-gma-7.html