Pages

Wednesday, May 2, 2012

GMA EXEC SLAMS REPORT INDICATING THE NETWORK IS IN A "SUNSET"

Masipag sumagot si GMA Network president at COO Gilberto R. Duavit, Jr. sa walang kamata­yang issue na binibili ang kanilang network.

Sa kabila kasi ng denial nila, tuloy ang usap-usapan na malapit na itong mapasok ng grupo ni Mr. Manny V. Pangilinan. Kamakailan ay kumalat uli sa social networking site na Twitter na may sign si Mr. Pangilinan na malapit na nga.

Anyway, ang latest na idinenay ni Mr. Duavit ay ang lumabas sa isang broadsheet — Networks Shakedown Rocks Industry — kamakailan.

Ayon kay Mr. Duavit, pawang walang basehan ang mga ipinahayag sa artikulo na tumutukoy sa broadcast television bilang isang “sunset” industry.

Unang nilinaw niya ay na-misquote siya (Duavit) sa pahayag na “that is not to say that GMA-7 will not be sold.”

Sinabi pa niya sa press statement na paulit-ulit nang ipinahayag ni Duavit na “GMA-7 is not for sale…but that is not to say that GMA may not be sold, depending on the offer price.”

Sa kasalukuyan, walang nagaganap na seryo­song negosasyon sa pagitan ng GMA at ng Philippine Long Distance Telephone (PLDT) Group, ayon pa kay Mr. Duavit.

Pangalawa sa nilinaw sa lumabas na artikulo ay ang tinukoy nitong ang 100 percent ng GMA-7 ay base sa share trading price at total number of listed shares sa stock exchange. Ito ay malinaw na walang katotohanan, ayon kay Mr. Duavit.

Ayon kay Duavit, ang 30.86 percent ng stock ng kumpanya na maituturing na preferred shares ay hindi listed sa stock exchange. Ang preferred shares na ito ay naging subject ng disclosures sa Philippine Stock Exchange at Securities and Exchange Commission.

Pangatlo, ay ang pagtaas sa kabuuang gastos ng GMA ay hindi lamang dulot nang matinding kumpetisyon na tinukoy sa artikulo.

Nilinaw ni Duavit na ang pagtaas ng programming spending ng GMA noong 2011 ay masusing pinag-isipan bilang pamumuhunan ng kumpanya para maisakatuparan ang pangunguna sa nationwide ratings at dulot nito ay malinaw na kabutihan para sa kumpanya.

Pang-apat, ayon sa artikulo, ang paggamit ng high definition (HD) television (TV) ay nangangailangan ng malaking kapital.

Pinabulaanan ito ni Duavit. Para sa mga broadcasters, ang pinakamalaking investment dito ay ang transmitter network na kung pagbabasehan ang halaga ay hindi hadlang o mabigat na balakid sa pagsasakatuparan ng HD TV. Sa katunayan, ang digital transmitter ay mas murang i-maintain at i-operate at mas efficient kumpara sa analog equivalent nito, ayon pa sa press statement.

Mariin ding pinabulaanan ni Duavit ang closing statement ng writer na nagpapahiwatig ng pagmama­liit sa GMA bilang isang nangungunang network sa industriya.

Higit pa, sinabi pa nilang hindi lingid sa kaalaman ng publiko na ang GMA ay walang long-term debt at patuloy na pinalalago ang business revenue maliban pa sa conventional television advertising, at litaw ito sa mga international channel ng kumpanya.

“If ours were a ‘sunset’ business as the writer implies, then the question is why certain amounts attri­buted to the value of our company are such, and why TV5 is spending billions building its infrastructure, pirating talents, and taking losses just to gain a foothold,” sabi ni Duavit.


6 comments:

  1. Tagalugin natin ang " GMA is in Sunset" - Ang GMA ay palubog na!!!

    Kaya pala hindi pa ready for DTV ang GMA dahil walang budget......

    Wala na yatang pera ang Kapuso Network parati pa rin ang praise release nila na Double no.1 sila pero halos bagsak ang prime time shoews nila at puro old movie pa tuwing weekends!!!

    Pitty you GMA, you're on denial always....

    With this news about GMA, it's not good with the TV network. Mas marami pang Advertisers ang magpu-pull out ng kanilang mga commercials.

    ReplyDelete
  2. hay nko guLOOOOOOOO nyo...gsto nyo lng ata mpag USAPAN eh..but sorry walng EFFECT yan s ABS.

    ReplyDelete
  3. haha..paligoy ligoy..paikot ikot..aminin na kasi.lol

    ReplyDelete
  4. ...di magtatagal at lulubog din ang TV5 kung talunan palagi sa ratings...

    @1 ...also puro old movies everyday!

    Eh baka bitter ang may gawa ng article sa naturang boradsheet...

    ...baka ang GME back to pirating talents again... (latest among them is Roxanne Guinoo)

    ReplyDelete
  5. BREAKING NEWS:
    Hindi na po magkalaban ang ABS-CBN at GMA7.

    Dahil sa dami ng pagpapalabas ng pelikula sa GMA7 (back to back to back on weekends, daily morning movies), Cinema One na po ang kalaban nitong istasyon.

    GMA7 posts higher ratings versus HBO, Star Movies and Cinema One! GMA7 Number One!

    ReplyDelete
  6. Tanga pala itong si Duavit - hindi naman sinasabing mahal ang mag maintain ng transmitter eh, ang sinabi sa article mahal mag pagawa at dun sa capital ng pag pagawa ng transmitter mukhang kukulangin ang GMA... hehehe. mukhang kukulangin ang coleksyon nila dun sa pag benta ng preferred shares kung buong Pilipinas mag papatayo ng Digital transmitter... heheheh. . .

    ReplyDelete