Pages

Wednesday, March 7, 2012

MVP INTENT OF MERGING TV5 AND GMA-7 INTO A MEGA MEDIA OUTFIT!

Inamin ng businessman na si Manny Pangilinan na ilang beses na siyang nakikipag-usap sa mga kinauukulan para sa interest niyang bilhin ang GMA Network, Inc.

Nakausap ng ilang media ang may-ari ng TV5, PLDT, at Smart Telecommunications sa ginanap na stockholders' meeting ng isa pa niyang kumpanya, ang Metro Pacific, kahapon, Marso 1.

Ayon sa ulat ng Business Nightly ng ANC kagabi, Marso 1, sinabi ni MVP na ilang beses na rin nagkaroon ng pag-uusap tungkol sa balitang pagbili niya sa Kapuso network."We've talked to them, you know, since 2002, and then maybe five years ago," sabi ni MVP (tanyag na tawag kay Pangilinan).


Pero dagdag niya, ang mga lumabas na balitang pag-uusap kamakailan ay "preliminary" lamang.

Sa kabila ng ulat ng ito, tiniyak naman ni MVP na walang dapat ikabahala ang mga empleyado ng Kapatid network.

Aniya, "One thing we do hold sacred to us is that the folks who joined us, particulary the initial batch of people who have joined us, the talents, the staff, the news people, especially at the start, we are deeply grateful for taking a risk with us and we will not abandon them."

EARLIER RUMOR. Matatandaan na noong nakaraang taon, ibinalita ng isang "marketing website" ang umano'y bulung-bulungan na gustong bilhin ni MVP ang Kapuso network sa halagang 500 bilyong piso.

Lumakas ang usap-usapan tungkol dito nang mag-post sa Twitter si Ruffa Gutierrez, kilalang TV host-actress ng TV5, tungkol sa umano'y susunod na bibilhin ng may-ari ng Kapatid network.

Ani Ruffa, "Guess what MVP is buying next?? Found out last week through a little birdy but the few people I told didn't believe me. Now its CONFIRMEDDD."

Pero bago pa man mag-isip ang mga nakabasa nito kung ano ang tinutukoy ni Ruffa, muli siyang nag-tweet, "READ my tweet again. I never confirmed what MVP is buying! Kaya sa mga assuming, don't put words in my mouth. Yes and that includes you!"

(CLICK HERE to read related article)

Samantala, sa isang panayam kay GMA Network CEO and Chairman Atty. Felipe Gozon, pabiro niyang sinagot ang mga haka-hakang ito.

Ayon sa Kapuso big boss, "Kung P500 billion, ibebenta ko right now.

"Kung may mag-o-offer ng P500 billion, kahit tulog ako, gisingin n'yo ako, I will sell.

"Pag below that, medyo iisipin ko muna."

Dagdag pa niya, "Out of this world naman yun... That is a very wild rumor."

Pero ayon sa ilang sources ng PEP ay mayroon talagang offer na bilhin ang GMA-7. Pero hindi raw ito kasing-taas ng lumalabas na pigura.

Sinubukan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kumpirmahin ang panibagong balita tungkol sa balak na pagbili umano ni MVP sa GMA-7 sa Corporate Communications department ng Kapuso network kaninang hapon, March 2, subalit wala pa silang ibinibigay na opisyal na pahayag dito.

19 comments:

  1. ang mangyayari

    KAPAMILYA VS KAPUSO/KAPATID


    =

    KAPAMILYA


    parin heheheheh bwahhhhhhhhhhhh.

    ReplyDelete
  2. If both Gozon and Duavit retired or died... the eventual result: KAPUSO-KAPATID MERGER UNDER MVP.

    ReplyDelete
  3. eto tlaga c MVP gusto pataubin ang ABS! Kaloka!

    ReplyDelete
  4. 500 B??



    Mukang pera.. haha
    overpricing

    ReplyDelete
  5. kahit pagsasamahin man ang TV5-GMA.. di nila kaya pataubin ang ABS-CBN.

    ReplyDelete
  6. I don't think the GOZON JIMENEZ & DUAVIT will sell GMA... It has been their bread and butter ever since. In the event it pushes through, ABS-CBN may have to think of strengthening their programming. At the moment, ABS-CBn is still fortunate for GMA's reluctance in pouring more money in their programming resulting for ABS-CBN to come up with a better programs who has a huge market base among affluent viewers... I don't think that TV INDUSTRY is of the same nature like what MVP used to work for. PLDT - MERALCO - PHILEX are among the huge companies that MVP are running and it really needs more money to generate revenue and become the most profitable... TV is something different, it's offered free on air and people has a choice not to take what you are selling, unlike PLDT and SMART - meralco where has no choice but to avail your product and services. . .

    ReplyDelete
  7. Game N' Go naurong ang airing

    Naurong sa March 17 ang pilot ng Game N’ Go, ang game show ng TV5 hosted by Edu Manzano. Dapat March 10, na ang airing ng game show, pero hindi pa raw tapos ang renovation ng Delta Theater na ni-rent ng network

    ReplyDelete
  8. hahaha! GMA for Sale? ewww!
    -Mga Kapamilya isa lang ang sabihin niyan, Palubog na ang 7 at 5, why? because ang ABS ang largest and undisputed Network sa Pilipinas in other words NO.1 TAYO!!!look! Pinataob ng Dos ang Dalawang Network na number 1 KUNO!,<GMA :p ...eh kung NAMBIR WAN sila bat nila binebenta sa palengke ang network nila? hay naku! mga sinungaling talaga at Yang TV5 na yan A.k.a KaPirata Network wag na kayong mag-ambisyong maging Uno coz that will never be happen, hahaha

    Cheers mga Kapamilya!

    ReplyDelete
  9. alam kasi ni MVP matagal pa para tangkilikin ng manunod ang tv5 pero infairness sobrang laki ng improvement...'kahit nilagay pa c nora at david wa epic pa din.. c willie lang ang may pag-asa..kung totoo ito good for MVP dahil kayang kaya ng GMA pataubin ang dos..TV5-GMA MERGE.??? tapos maglagay ng shows si willie sa GMA.hehehe

    ReplyDelete
  10. tama ba nabasa ko sa taas na kayang kaya pataubin ng GMA ang dos????? patawa to!!! hehehe

    ReplyDelete
  11. pag nag merge yan ang pangalan na ay GMA TV5 ang tagline insted na kapuso o kapatid magiging KAPUTID..hehehe...peo 4 sure ABS-CBN parin ang no.1 at silang sigurado palagi no.2...hehehe

    ReplyDelete
  12. my god....negative ata ang income ng tv5 this year- akalain mo-mostly mg ashow nila eh walang ads...ung kay wiltime bigtime lang ang meron ads- ung nandito ako- kumuha pa ng big star sa hollywood(for sure laki bayad kay david) pero wala pa ring nangyari..low rating- low ads....wala ding nagawa si nora....my god...please kunin niyo din sina angelina jolie bradpitt- or hindi dahil sa sikat na artista kundi sa signal ninyo-iilan lang ata ang nakakakuha ng signal ninyo

    ReplyDelete
  13. @11 KAPUTID is also known as "KAPASO"...

    ReplyDelete
  14. its to to upgrade from noodles mga kanoodles. benta nyo na yan. bago kayo maunahan ng tv 5.

    kanoodles ang #3

    ReplyDelete
  15. ganyan ba ang no.1 binibenta?????? hhahah!!!!!!!! desperado na talaga ang tv5 lahat gagawin para lang maging no 1 hangang pangarap lang yun.. kahit mag sanib pwersa kayo talo parin kayo dahil ibig sabihin lang nun di nyo kaya ang abs cbn... no.1 sa lahat ang abs cbn...

    ReplyDelete
  16. hayz...sbi ko kay admin mag kape. mukang gatas ata ang ininom kaya nktulog ulit...hehehe...

    ReplyDelete
  17. Blogger MUHABOY said...

    I don't think the GOZON JIMENEZ & DUAVIT will sell GMA... It has been their bread and butter ever since. In the event it pushes through, ABS-CBN may have to think of strengthening their programming. At the moment, ABS-CBn is still fortunate for GMA's reluctance in pouring more money in their programming resulting for ABS-CBN to come up with a better programs who has a huge market base among affluent viewers... I don't think that TV INDUSTRY is of the same nature like what MVP used to work for. PLDT - MERALCO - PHILEX are among the huge companies that MVP are running and it really needs more money to generate revenue and become the most profitable... TV is something different, it's offered free on air and people has a choice not to take what you are selling, unlike PLDT and SMART - meralco where has no choice but to avail your product and services. . .

    --------

    very well said!

    ReplyDelete
  18. DOUBLE DIG8T N POH UN DATE UN MARCH 13..PERO UN LAS POST NI ADMIN 3.07.2012 P.....HEHEHEHEH

    ReplyDelete