CORRECTING HISTORY. Kahit pitong taon na ang
nagdaan, buhay pa rin ang pait sa mga mahal niya sa buhay na
naniniwalang nadaya si FPJ sa presidential elections noong 2004.
Sa ulat nga ng ABS-CBN news programs na TV Patrol at Bandila
kagabi, sinariwa ni Mary Grace sa kanyang talumpati ang laban na
kinamatayan ng kanyang ama.
Hiling nga nito na sana ay maiwasto ang kasaysayan.
Ayon kay Grace, "Gusto ba ninyo na balang-araw pag binuklat natin ang
mga libro ay nakalagay doon na 14th President, pero ito nandaya?
"Hindi ba mas okay na lang sabihin na naupong pangulo, pero ang
talagang pangulo ay si FPJ?"
Ang tinutukoy ni Grace na "nandaya" umano ay ang naupong 14th
President noon na si dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo, na ngayon
ay congresswoman ng Pampanga.
Pumanaw si FPJ sanhi ng stroke pitong buwan matapos iproklamang
pangulo ang pinakamahigpit niyang katunggali na si Mrs. Arroyo noong
2004.
Kasalukuyang naka-hospital arrest si GMA sa Veterans Memorial Medical
Center sa Quezon City dahil sa kinakaharap nitong kaso ng electoral
sabotage noong 2007.
Pero kahit nakaalis na sa puwesto bilang Pangulo si GMA, duda naman
ang mga tagasuporta ni FPJ kung maitatama pa ang umano'y maling
kasaysayan.
Ayon kay Butch Cadsawan, presidente ng FPJPM, "Sa tingin ko hindi pa
panahon.
"Kasi hindi pa napag-uusapan yung 2004.
"Sabi nga ni Chairman Sixto Brillantes [ng Comelec], wala na raw
ebidensiya."
EMOTIONAL ERAP. Naging emosyunal naman si dating
Pangulong Estrada sa kanyang talumpati para sa yumaong matalik na
kaibigan dahil hindi raw niya nadamayan si FPJ noon.
Sabi ni Erap, "Mayor, Senator, Vice President, Presidente, kasama ko
siya, tinulungan niya ako.
"Ngunit nung siya naman ang kandidato, ang sama-sama ng loob ko ay
hindi man lang ako nakatulong dahil nakakulong ako."
Tulad ni CGMA, na-hospital arrest din noong 2001 si Erap sa VMMC
dahil sa kasong plunder.
Hanggang sa inilipat ang dating pangulo sa isang military facility sa
Tanay, Rizal. Tapos ay na-house arrest sa kanyang Tanay resthouse.
Pero noong Oktubre 2007 ay nakalaya si Erap sa bisa ng executive
clemency o pardon na ibinigay ng noo'y Pangulong Arroyo.
Ayon sa mga kaanak at tagasuporta ni FPJ, matutuldukan lang daw ang
kanilang sentimiyento kung maidedeklarang pang-14 na Presidente ng
Pilipinas si Fernando Poe Jr.
FIGHTING FOR RIGHTFUL RECOGNITION. Sa ulat naman ng Balitaang
Tapat ng TV5 kahapon, nanindigan si Mary Grace na hindi nila habol
ang puwesto at kapangyarihan kundi ang pagkilalang nararapat para sa
kanyang ama.
Ayon kay Grace, "Hindi na kasi mabubuhay si FPJ.
"Yun na yung nangyari. Hindi na siya mauupo bilang Pangulo.
"Pero sa tingin ko, meron pa tayong magagawa para magkaroon ng
recognition."
Hindi naman dumating sa misa ang maybahay ni FPJ at Reyna ng
Pelikulang Pilipino na si Susan Roces.
Gusto raw kasi nitong mag-isang pumunta sa puntod ng asawa.
HARD TO FORGIVE. Sa ulat naman ng 24 Oras
ng GMA-7, kung suntok man daw sa buwan na maiproklama pa si FPJ, okay na
raw kahit isang congressional resolution na kumikilala sa pagkapanalo
ni FPJ at mapabilang ang larawan ng yumaong aktor sa gallery ng mga
naging Pangulo sa MalacaƱang.
Hindi rin daw matutuldukan ang kuwento ng dayaan kung 2007 elections
lamang ang basehan sa kasong electoral sabotage na inihain kontra kay
CGMA.
Paano naman daw ang kabanata ng 2004 elections?
Kaya nga aminado si Mary Grace na hirap daw siyang kalimutan ang
nakaraan lalo pa ang pagpapatawad.
Sabi ni Grace, "Tatapatin ko kayo, unang-una kasi sa pagpapatawad,
kailangan may humihingi kasi ng patawad, di ba?"
Sa Enero 2012, pormal daw hihingin ng FPJPM sa Comelec na simulan
ulit ang pag-iimbestiga sa dayaan noong 2004 elections.
Pep.Ph
admin ang i post mu yung halos paninira s ABS, pra marmi mag comment,hehheheheheh
ReplyDeleteAng may-akda ng first 10 comments dito baka spammer at insecure...
ReplyDeletesi vice ganda di parin nagbabago; di siya nahihiya sa pinaggagawa niya ; dapt maging maitno responsable siyang tao tulad ni abunda; wag siyang magbihis babae at mag lipstic kc masama yan at nagpropromote siya ng kabaklaan , isipin tuloy ng mga ibang tao na ok lng ang mag asta ng ganon dapt mg behave siya ng nararapat! nakakahiya na ang ginagagwa niya, di siya mabuting ehemplo sa ibang tao lalo na sa mga youths, kaya dapt si sinusuporthan ang ganitong tao.
ReplyDeletedapt di sinusuportahan ang kabaklaan ng baklang si v ganda kc nakakahiya siya, imagine , ibinabalndra niya ang pagbihis babae at paglipstic niya sa tv. dapt tumino na siya at mahiya, gayahin niya dapt si abunda na ngpapakalalake at yun ang dapt!
ReplyDeleteAnonymous said...
ReplyDeletedapt di sinusuportahan ang kabaklaan ng baklang si v ganda kc nakakahiya siya, imagine , ibinabalndra niya ang pagbihis babae at paglipstic niya sa tv. dapt tumino na siya at mahiya, gayahin niya dapt si abunda na ngpapakalalake at yun ang dapt!
December 17, 2011 5:55 PM
_____________________________
tsk..tsk...tsk...nakakahiya o inggit at bitter ka lang, siguro kapuso ka ano? Bakla nga yan eh, hindi ba ganyan din ang ibang bakla kahit sa ibang istasyon ng TV at kahit sa ating mga kapaligiran?
tsk tsk.. racist homophobe in the house!!
ReplyDeletemga inggit lang yan, yung mga bakla kasi sa kabila kahit anong gawin wala pa rin. Si Vice kasi sumikat kaagad...
ReplyDelete