Problema sa pera at alitan sa pamilya.
Ito ang dalawa sa dahilang lumulutang kaugnay ng pagpatay sa aktor na
si Ramgen Revilla noong Oktubre 28.
Mas lalo tuloy natuon ang atensyon ng pulisya sa anggulong ito dahil
sa mga na-recover na text messages sa mismong cell phone ni Ramgen na
tumutugma sa imbestigasyon ng kaso na away sa pamilya ang posibleng
naging ugat ng krimen.
Sa report ng late-night news program ng ABS-CBN, ang Bandila,
kagabi, November 17, na-recover ng Criminal Investigation and Detection
Group (CIDG) ng Philippine National Police (PNP) ang huling text
messages sa cell phone ni Ramgen bago siya napatay.
Gumamit ang PNP ng cellphone forensic machine para makuha ang mga
text sa cell phone ni Ramgen.
Tila may pahiwatig sa text messages na ito na mayroong ngang alitan
sa pera ang pamilya nila.
Gaya na lang ng mensahe ni Ramgen sa kapatid na si Gail dalawang araw
(Oktubre 26) bago siya mabaril.
Sa text, nagmamakaawa si Ramgen na ibigay na ang kanyang allowance.
Sobra na rin daw ang paninira sa kanya sa kanilang amang si dating
Senador Ramon Revilla, Sr.
Text ni Ramgen: "BIGAY NYO NAMAN ANG ALLOWANCE KO SOBRA NAMAN KAYO...
SINIRA NIYO NA NGA AKO KAY DADDY TAS GANYAN PA... SOBRA NAMAN YAN GA."
Sagot naman ni Gail, kaya raw binawasan ng ama nila ang kanilang
allowance dahil galit daw ito sa kanilang ina na si Genelyn Magsaysay.
Dapat daw ay P200,000 ang allowance, pero ginawa na lang itong
P150,000.
Text ni Gail: "KAYA NAMAN NIBAWASAN NI DADDY YUNG ALLOWANCE KASI
GALIT NA GALIT KAY MOMMY. DAPAT SAKTO TALAGA YUNG ALLOWANCE. 200K DAPAT
ALLOWANCE NYO PA RIN PERO DAHIL SA GALIT NI DADDY KAY MOMMY, NIGAWA NIYA
150K."
Matatandaang sa interview kay Genelyn ng State of the Nation with
Jessica Soho sa GMA News TV, sinabi nito na nagtataka siya kung
bakit pabawas nang pabawas ang ibinibigay na sustento sa kanila. (CLICK HERE to read related story.)
Sa isa pang text ni Ramgen, tinext niya raw si Mara na dapat ay
magkabati na silang lahat.
Text ni Ramgen: "MALAKI NA TAYO MAGKAAYOS NA DAPAT. HINDI MAGANDA
PURO AWAY... NAGTEXT AKO KAY MARA KANINA NA SANA MAAYOS NA LAHAT AT
MAGKABATI-BATI NA TAYO."
Si Mara, o Maria Ramona Bautista, ang kapatid ni Ramgen na
isinasangkot din sa krimen.
Nauna nang nabalita ang paglipad nito papuntang Hong Kong at Turkey.
Pero hindi na matukoy kung nasaan talaga ang kinaroroonan nito ngayon.
May text din si Gail na nagpapahiwatig na dahil sa problema sa pera,
tila hindi na mabayaran ang kanilang bills tulad ng kuryente.
Text ni Gail: "NAGBIGAY AKO KAY MOMMY NUNG MONEY FOR MERALCO BEFORE,
SIYA YUNG HINDI NAKABAYAD"
Pero sa text isang araw (Oktubre 27) bago mapatay si Ramgen, sinabi
nito na nagsimula ang gulo dahil sa pagbenta nang mura sa sasakyan ni
Ramon Joseph o RJ.
Text ni Ramgen: "ALAM KO SAN NAG UMPISA TOH SA STRADA NI JOSEPH...
WAG NA KAYO MAG MAANG MAANGAN PA. SINABI KO KASI SOBRA MURA NG BENTA."
Si Joseph o Ramon Joseph ang isa pang kapatid ni Ramgen na
itinuturong mastermind umano sa krimen.
Nakakulong ito ngayon sa Paranaque City Jail.
Sa kontrobersiyal na kaso ng pagpatay kay Ramgen, umaasa ang pulisya
na magagamit ang naturang text messages para pagkunan ng ilang lead para
sa agarang ikalulutas ng kaso.
Sigurado naman ang PNP sa authenticity ng text messages na ito bilang
ebidensiya.
Ayon sa Chief ng Digital Forensic Section ng PNP na si Inspector Ledy
Lozada, "May mga gadget kami na ginagamit in order na hindi na
makapasok yung mga text messages.
"So, nape-preserve natin yung state niya at the time na ma-seize
natin yung cellphone."
Sabi pa ng Paranaque PNP, isusumite rin nila sa korte ang nakuha
nilang text messages.
PEP.PH
Only in ABS-CBN kung saan makikita nyo ang mga expose, exclusive at explosive na mga balitang napapanahon.
ReplyDeleteAnthony = (Mike + Arnold) x 2