Pages

Tuesday, October 4, 2011

TV5 DENIES THE NEWS OF NORA AUNOR ASKING TO OUST CRISTY FERMIN!

Nilinaw na ng TV5 president and CEO na si Atty. Ray Espinosa ang balitang gusto diumanong ipatanggal ng Superstar na si Nora Aunor ang entertainment columnist na si Cristy Fermin sa mga programa nito sa Kapatid network.

Sa ngayon ay nagho-host si Cristy ng dalawang showbiz talk shows: ang daily na Juicy! Express at ang weekly na Paparazzi.

Mayroon din siyang radio-TV program sa AksyonTV, ang news channel ng TV5 na maririnig din sa radio station nito.

Sa text message na pinadala sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kaninang hapon, Oktubre 4, inilahad ni Atty. Espinosa ang mga meeting niya kasama ang bida ng mini-serye na Sa Ngalan Ng Ina.

Aniya, "Ms. Nora Aunor never asked me or TV5 to choose between her and Ms. Cristy Fermin.


"There is absolutely no truth to this rumor.

"The meetings I've had with Ms. Aunor, which except for one, were all upon my request, were for the purpose of discussing an extended talent contract with TV5.

"The one meeting we had at her request was for the purpose of thanking TV5 for the work opportunities that we have offered to her."

THE ORIGIN. Nagsimula ang isyung ito nang lumabas ang usap-usapan na naringgan umano ang returning aktres na nagsasalita tungkol kay Cristy.

Bunsod umano ito ng mga 'di magandang writeup ng huli sa mga column niya noong 2008.

Ilan sa mga ito ay patungkol sa pamumuhay ng aktres sa Estados Unidos kasama ang kanyang matalik na kaibigang si John Rendez, na dumating din kamakailan sa bansa.

Nakaabot daw ang mga nilalaman nito kay Nora kahit noong nasa States pa siya.

Ayon sa ulat ni Jojo Gabinete, na nailathala dito sa PEP kahapon, Oktubre 3, may nakasaksi umano na tinanong ni Nora kung ilan ang programa ni Cristy sa TV5. (CLICK HERE to read full article.) 

Pagkatapos ay nagsalita raw ang aktres ng, "It's about time na mamili ang station sa aming dalawa."

Subalit nilinaw na ito ng confidante ni Nora na si Albert Sunga.

Sa text message na pinadala niya kay Jojo, sinabi ni Albert, "Ang sinabi ni Ate Guy, kakausapin niya si Nay Cristy.

"Remember na nagkausap at nagkita na sina Ate Guy at Nay Cristy sa unang araw pa lang ng pagdating ni Ate Guy sa 'Pinas, dahil pumayag si Ate Guy na pa-interview kay Nay Cristy para sa Paparazzi?"

Sa kabilang banda, naging matalinghaga naman ang sagot ng entertainment columnist nang tanungin siya tungkol sa isyung ito.

Ani Cristy, "Napakatagal ko nang nananahimik. Maraming paraan para sumagot ako pero dahil sa respeto ko sa mga ehekutibo ng TV5 at sa mismong istasyon, wala akong sinasabing anuman.

"Pero alam ko ang buong katotohanan ng kuwento."

Courtesy: Pep.ph

4 comments:

  1. talagang hindi pa tapos ang issue nang kacheapan with cristy? or part pa rin nang promo ang sa ngalan nang laos!

    ReplyDelete
  2. Good News Kapamilya!!!!

    ABS-CBN bags another International Emmy nomination for 'Impostor'!!!

    ABS-CBN Corporation earned another International Emmy Awards nomination for its drama series "Precious Hearts Romances presents Impostor," a story about a provincial lass who was forced to take the persona of a well known model.

    According to the website of the prestigious award-giving body, ABS-CBN's "Impostor" will be competing in the Best Telenovela category against Argentina's "Contra las Cuerdas," Brazil's "Destiny River," and Portugal's "Lacos de Sangue."

    "We are very thrilled. The nomination is an honor and a validation of our team's efforts," said Laurenti Dyogi, business unit head responsible for the TV series aired last year.

    ABS-CBN is the only Philippine media company that bagged an International Emmy nomination. Its primetime newscast "TV Patrol" earned an International Emmy nomination this year in the Best News category for its coverage of the Manila hostage crisis in August 2010.

    “PHR: Impostor” starred Maja Salvador, Melai Cantiveros, Jason Francisco, and Sam Milby. It was directed by Jerome Pabocan and Neal del Rosario.

    Apart from the global recognition, Dyogi said the series has been picked up in other countries such as Russia and Ghana because of its concept that appeals to the international market.

    Congrats Kapamilya!!!

    ReplyDelete
  3. LAOS kc kya gagawa NG ingayyyy...OY tumahimik kna LAOS...

    ReplyDelete
  4. i saw CF sa radio show nya according to her 2008 pa raw ang issue eh 2011 na raw ngayon... in short mahirap talaga pag kinokompronta ka na ng taong INVOLVED... lessons learned... FACE TO FACE na yan

    ReplyDelete