Pages

Wednesday, September 14, 2011

WILLIE ASKS REGIONAL COURT TO DUMP ABS-CBN'S COUNTERCLAIM!

Hiniling ng TV host na si Willie Revillame sa Quezon City Regional Trial Court Branch 217 na ibasura na ang counterclaim na inihain ng dati niyang network na ABS-CBN laban sa kanya.

Ito ay kaugnay ng kanyang hindi tinapos na kontrata sa kanila noong nakaraang taon.

Ayon sa artikulong lumabas sa isang national daily ngayong araw, September 13, ang hiling daw na ito ni Willie ay binase niya sa inilabas na desisyon ng Court of Appeals kamakailan lang.

Dito'y sinabi ng Court of Appeals na iisantabi na ang kasong copyright infringement laban sa TV host sa Makati City Regional Trial Court Branch 66.


Noon daw September 7, Miyerkules, pumunta ang legal counsel ni Willie na sina Lemuel Santos at Dennis Espejo, sa opisina ni Judge Santiago Arenas sa Quezon City Regional Trial Court Branch 217.

Sa kanilang pahayag, sinabi nilang nasa desisyon daw ng Court of Appeals na nilabag ng ABS-CBN ang rule sa "forum shopping."

Ayon sa kanilang pahayag, "With the finding of the Court of Appeals, that herein defendant ABS-CBN violates the rules on non-forum shopping, its counterclaims against plaintiff Revillame in the instant case can be dismissed already with prejudice."

Dagdag pa nila, "As such, the pending motions of defendant ABS-CBN emanating from its counterclaims should be denied outright by the honorable court."

"NO GROUND TO PROCEED." Matatandaan na noong nakaraang taon ay nagsampa ng kasong copyright infringement ang ABS-CBN laban kay Willie.

Ito'y dahil daw ginaya ng bagong show ni Willie sa TV5 na Willing Willie ang format ng dating show nito sa Kapamilya network na Wowowee.

Pero paniniwala naman ni Willie, wala nang dahilan para ipagpatuloy pa ang hearing sa mga naturang kaso dahil tapos na ang kanyang kontrata sa ABS-CBN noong Agosto ng nakaraang taon.

Aniya, "There is no more ground to proceed with the hearing for the issuance of a preliminary injuction."

Kaugnay pa nito, sinabi rin ng counsel niya na ibinasura ng Court of Appeals ang desisyon noon ni Judge Joselito Villarosa ng Makati City Regional Trial Court Branch 66, na ipahinto ang pag-ere ng Willing Willie.

Ang ibig sabihin daw nito'y napawalang-bisa na rin ang copyright infringement case laban kay Willie.

Source: Pep.ph

5 comments:

  1. hay nkooooh willie...need nnman b mag ingay para mpag usapan ulit...kc biglang nag daw un rating u s willing willie...willie is not a kind of person n dapat idolohin ng mga tao lalo n mga bata....

    excite n me n mkita si willie n nag hihirap at hnde n sikat(sikat b?)at wala n pera...tingnan nting kung panUnUurin p sya ng TAO.YABANG KASI.

    ABS-CBC khit ano gawin u jan..ikaw lng kawawa....eh PADER n yan eh....

    at PATI p nman si lito CAMO kinalaban...hay nko....

    ReplyDelete
  2. Naguguluhan ako sa batas ng pilipinas......BALEWALA NA PALA NGAYON ANG MGA KONTRATA!!!!

    BALEWALA NA ANG KONTRATA SA MGA TAONG MAY PERA!!!!

    ReplyDelete
  3. feeling niya kaya nia lahat kc may pera na!!!! Napansin ko lahat n lang pumapabor sa kung ano gusto nia! magaling xa manlansi ng tao! kahit kaibigan nia kaya niang bgyan ng sama ng loob like john randy at lito. pinopromote ung eat bulaga at qmuha bago composer. omg! anu kaya karma bibigay sa kanya? lets see soon?!!!

    ReplyDelete
  4. willie pikon, kung matinong tao yan, dapat magtrabaho na lan sya maayos, hindiyungpuropasaring pag nakaere na wiltime bigtime, kaya kami nevver nakami manood pag si willie ang bida, kakasuka, sobrang yabang akalamo kung sino,
    Kunwari pinopromote ang eat bulaga, dina kailangan ng propmotion ng eat bulaga no! dika na kailangan nila, kahit nasa primetime pa yang wiltime bigtime mo, wala parin sinabi sa abs and gma.
    I like eat bulaga, pero i watch si Happy Yipee Yehey, kwela din anamn at pareho din may natutulungan at ang dami commercials. aminado naman sila na di matatapatan angeat bula,well for them may masaya at magandang show sila at ang dami commercials nila, yun ang importante.
    Hindi kaygaya ni will time bigtime, may sponsor pag naka air,pero 2 lang commercials nya.lol. Nakakawalang gana kasi manood, purosya pasaring, at paninira sa kabila, at di nya matanggap, dati natalo na nya eat bulaga dahil narin sa abs, pero ngayon sa kangkungan na lang ang wiltime bigtime nya at marami pa talgang bulag na tao ang naloloko at nagagamit nya. go to hell willie. kakatmahin karin. sayo na maraming pera mo, pero bulok naman pagkatao mo...yabang

    ReplyDelete
  5. ganun talaga laos na eh para mapag-usapan gagawa ng balita

    ReplyDelete