Pages

Thursday, September 8, 2011

T3 KAPATID SAGOT KITA OVERTAKES ABS-CBN PROGRAMS IN MEGA MANILA!

<em>T3 Kapatid Sagot Kita </em>overtakes ABS-CBN show 
in Mega Manila, based on Nielsen data

TV5's morning show Kumare Klub is hosted by (top frame, L-R) Tintin Bersola-Babao, Amy Perez and Chiqui Roa-Puno while T3 Kapatid, Sagot Kita! is hosted by Raffy, Erwin and Ben Tulfo



PRESS STATEMENT FROM TV5:

"Ayon sa datos ng Nielsen Media Research sa MegaTam [Mega Manila TV Audience Measurement] nitong Lunes, wagi ang T3 Kapatid, Sagot Kita! ng mag-utol na sina Raffy, Ben at Erwin Tulfo matapos magtala ng audience share na 25.7%  kumpara sa ABS-CBN na 24.4% at hindi naman nalalayo sa GMA na nakakuha ng 30.3% sa timeslot ng programa. T3 din ang mas tinutukang programa ng mga manonood edad 40 pataas noong Lunes sa Mega Manila kung ihahambing sa ABS-CBN at GMA sa parehong oras o timeslot.

"Dikit na dikit naman ang ratings ng pilot episode ng Kumare Klub with Tintin Bersola-Babao, Chiqui Roa-Puno at Amy Perez. Nakakuha ng 1.4% AMR [Average Minute Rating] ang bagong morning magazine program ng TV5 kumpara sa 1.9% ng Umagang Kay Ganda (ABS-CBN) at 1.8% ng Unang Hirit (GMA).

"Ayon pa sa Nielsen Overnight Report noong Lunes (kumpara sa nakalipas na apat na Lunes), nagtala ng double-digit increase ang TV5 sa timeslot ng Kumare Klub habang lubhang nabawasan naman ng manonood ang Unang Hirit at Umagang Kay Ganda.

"Parehong nag-pilot noong Lunes ang dalawang show ng TV5 News and Information Division (NEWS5) na sabayang napapanood sa 24-hour news channel na AKSYON TV."


3 comments:

  1. s totoo lng s tatlong programa n itoh eh hnde nman mganda..s T3 kapatid..eh mas lalong nkka antok s morning...un unang hirit nman boring..un umagang kay ganda medyo boring din..pero bilib lng me s umagang kay ganda pag dting s pag bblita..ASTIG...lalo n si ANTHONY TABERNA.nag iisa klng idol.

    ReplyDelete
  2. T3 KAPATID MAY BACKUP... Ito ang SUPER SINE 5 na THREAT sa PEOPLE RATINGS naman.

    ReplyDelete
  3. Ok sa akin ang TV5 kaso pag nagprepress release sila ng ratings, ibang fugure ang gamit. The rest puro ratings, sila audience share or AMR. Posible kasing mas matyaas ang share pero mas mababa ang ratings points. Sabagay, marketing is using your best figures.

    ReplyDelete