Pages

Friday, September 23, 2011

ASAWA NI CAMILLE PRATS SUMAKABILANG BUHAY

Pumanaw na ang mister ni Camille Prats na si Anthony Linsangan kaninang 8:45 ng umaga, September 23, sa St. Luke's Medical Center sa The Fort, Taguig City.

Ayon sa manager ni Camille na si Arnold Vegafria, "nasopharyngeal cancer" ang ikinasanhi ng pagkamatay ni Anthony. He was 32.

Ang nasopharyngeal cancer, ayon sa medicinenet.com, "is a disease in which malignant (cancer) cells form in the tissues of the nasopharynx [upper part of the throat]."

Ngunit may report ding lymphoma ang ikinamatay ng asawa ni Camille.


ANTHONY LINSANGAN. Ipinanganak si Anthony C. Linsangan noong October 12, 1979 sa Tondo, Manila.

Nagtapos siya ng B.S. Computer Science sa AMA Computer University- Makati.

Sa naturang unibersidad din niya itinatag ang Wheels Auto Performance noong February 6, 2000, sa tulong ng kanyang kaibigan na si Christian V. Moises.

Pero walong taon ang lumipas, sarili naman niyang pamilya ang binuo ni Anthony.

Ito'y nang ganapin ang civil wedding nila ng dating child star na si Camille Prats noong Enero 5, 2008, sa Los Angeles, California.

At dalawampung araw lamang ang lumipas matapos ang kanilang civil wedding ay isinilang ang anak nila na si Nathaniel Caesar P. Linsangan.

Dalawang taon matapos manganak ni Camille, ginanap naman ang church wedding nila rito sa Pilipinas.

Naganap ito noong March 5, 2010 sa Santuario de San Antonio sa McKinley Road, Forbes Park, Makati City. (CLICK HERE for related article.)

Ngunit sa loob pa lamang ng tatlong taong pagsasama ng mag-asawa, isang mabigat na pagsubok na ang dumating sa kanilang buhay.

Kumalat ang mga usap-usapan na may sakit si Anthony. Ngunit, nanatiling tahimik tungkol dito si Camille sampu ng kanilang pamilya.

Hanggang noong nakaraang buwan, kinumpirma ni Camille sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa thanksgiving presscon ng Munting Heredera na may sakit nga ang kanyang asawa.

Ngunit, tumangging magbigay ng anumang detalye ang aktres sa kalagayan ni Anthony. (CLICK HERE for related article)

Hanggang sa ngayong araw, September 23, sumakabilang-buhay na si Anthony dahil sa sakit na cancer.

Sa kasalukuyan, nakikiusap ang pamilya Linsangan-Prats na respetuhin muna ang kanilang privacy sa oras na ito ng kanilang pagdadalamhati.

Nakikiramay ang staff ng PEP sa pagpanaw ni Anthony.

Courtesy: Pep.ph

3 comments: