Pages

Tuesday, July 19, 2011

KIRS AQUINO INSULTED BY MAYOR JUN JUN BINAY!?

Kris Aquino expresses disappointment over Mayor Junjun Binay's comment on marriage; decides to avoid him

Halata ang disappointment ni Kris Aquino sa mga post niya sa kanyang Twitter account bandang alas-otso ng umaga kanina, July 18.

Ang dahilan daw ng "disappointment" na ito'y ang nabasa niyang "To wed or not to wed: Hayden & Vicki, Ju...njun &Kris" article ni Millet Mananquil sa The Philippine Star kahapon, July 17.

Nakasaad kasi sa artikulo na nakausap daw ni Millet si Makati Mayor Jejomar Erwin Binay—o mas kilala bilang "Junjun" Binay—noong wedding anniversary celebration ni Senator Miriam Defensor-Santiago at ng asawa nitong si dating Interior and Local Government undersecretary Narciso "Jun" Santiago.


Ayon pa sa koluminista, nakita raw niyang mag-isa si Mayor Junjun, at hindi niya napigilang tanungin ito kung totoo ba na nagde-date sila ng TV host-actress na si Kris Aquino.

Ito raw ang naging sagot ni Mayor Junjun: "Yes, we are good friends. We saw the Justin Bieber concert together, and by gosh, when you're with Kris, everybody wants to have a picture with her."

Kasunod nito'y tinanong niya kung bukas ba ito sa posibilidad na magpakasal muli.

Matatandaang magdadalawang taon na mula nang mamatay ang asawa ni Mayor Junjun na si Kennely Ann Lacia-Binay, o "Ken-ken" sa malalapit sa kanya.

Pumanaw ito noong August 11 2009, sa edad na 29, bunga ng kumplikasyon sa pagbubuntis nito.

Hindi direktang sinagot ng alkalde ang katanungan, bagkus naging makahulugan ang naging tugon nito.

Wika niya, "Why do people marry? Because of lack of knowledge... Why do people separate? Because of lack of experience... Why do people remarry? Because of loss of memory."

KRIS'S DISAPPOINTMENT. Pero ikinagulat daw ng Queen of All Media na si Kris Aquino ang nabasa niya sa artikulong ito.

Ayon sa kanyang tweet: "I was surprised to see junjun & kris w/ hayden & vicki in the wed or not to wed front page teaser of Star yesterday.

"He was asked if we were dating & he said yes we're good friends & confirmed our justin bieber concert w/ our respective kids."

Pero lubos daw na ikinadismaya ng TV host-actress ang sagot ni Mayor Junjun tungkol sa pagpapakasal.

Saad ni Kris, "There's a quote attributed to him about marriage, separation & remarrying. I know he tried to be witty, but it offended me.

"I know that's not a reflection of his married life because from all he has shared w/ me- he & his wife Ken were exceptionally happy."

Noon lamang isang taon, ang nagdaang presidential elections daw ay nakaapekto sa pagsasama ni Kris at ng dati nitong asawa na si James Yap, na naging sanhi ng kanilang paghihiwalay.

Kaya naman paglilinaw ng Queen of Talk, wala raw siyang naka-date mula pa noong magkahiwalay sila ni James.

Ayon sa kanyang tweet: "In the 14 months since my separation, I haven't dated anybody. I thought jun & I were friends but after what I read I've come to the conclusion a gentleman doesn't really say stuff like that especially when it can be read as "patama" to his friend."

Giit pa niya, matagal na raw nang mangyari ang concert na yun at ang pag-uusap sa pagitan ng kolumnista at ng alkalde.

"Justin Bieber was May 11, the wedding anniversary of Senator Miriam where the conversation took place was June 19 & the piece came out yesterday, July 17.

"A lot has happened in 2 months!"

Ganun pa man, humingi naman daw ng tawad si Mayor Junjun sa kanya, pero mas gusto na raw iwasan ni Kris ang mga maling espekulasyon sa kanilang dalawa.

Kaya naman sa huling tweet niya, sinabi ni Kris: "In conclusion, nag sorry si jun last night but I guess it's truly best for us to just avoid each other so no more talk about us."

Source: PEP

8 comments:

  1. GOURMET
    July 18, 2011
    1st Gap: 6.45 Ad Minutes
    2nd Gap: 7 Ad Minutes
    3rd Gap: 6.55 Ad Minutes
    Total : 20 Ad Minutes

    ReplyDelete
  2. self-glorifying gmaJuly 19, 2011 at 7:21 PM

    malaking exclusive news na naman ang pinasabog ni Anthony T. Bakit kaya walang nag-o-originate na mga kaparehong balita sa 'award-winning' investigative group kuno ng GMA?

    ReplyDelete
  3. sino ba yong front act ni david archuleta, SUPER TRYING HARD na mag head bang! trying to be cool pero SABLAY, yan ang mga kapuso! or baka naman SABOG?! hay naku, TRYING HARD NA MGA KAPUSO!

    BWAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!

    ReplyDelete
  4. alam nyo naman ang mga kapuso reporters, mga playing safe! mga walang paninindigan! pero mga award-winning KUNO!

    ReplyDelete
  5. Nakakasawa na si Kris. Kapag may issue sa kay PNoy, magcocomment siya. We get it, kapatid siya, pero sana hinay-hinay lang siya sa pananalita niya. And now with Mayor Binay, my gosh! When are you going to learn? HIndi umiikot ang mundo sa iyo at pamilya mo!

    ReplyDelete
  6. People admire her because she's an "honest" person. How ironic, sa pagiging "honest" niya. Nagmumukha siyang tanga at taklesa

    ReplyDelete
  7. 0806jejeIls portaient un mélange de chapeaux qui ne convenaient pas air jordan pas cher maroc aux conditions auxquelles ils étaient confrontés. Certains dunks Nike sont très légers aussi! Balancer les rues avec ceux-ci un des baskets de variété. Cela n'augmentera-t-il pas vos sourcils à l'intérieur des États-Unis sur vos propres 33 milliards de livres sterling à 12 mois dépensés en suppléments de santé, mais en tant qu'état, baskets asics pas cher les États-Unis sont pratiquement hors de la pratique? J'ai supposé que c'était assez dégoûtant. Si vous le faites, vous entendrez l'audio de votre téléphone ou lecteur MP3 corriger à travers votre chaîne stéréo. Hollywood a élargi les horizons avec nike air jordan 11 retro low citrus son imagination, et des films comme Star Wars, Star Trek, iRobot, Minority Report et beaucoup d'autres films de science-fiction nous ont montré ce dont le savoir-faire technologique moderne est capable. Maintenant que nous sommes tous tellement habitués à utiliser nos téléphones cellulaires dans nos véhicules, c'est en quelque sorte acheter nike pas cher avis le fait qu'ils modifient les lois.

    ReplyDelete