Mananatiling Kapuso pa rin ang Eat Bulaga! hanggang taong 2014.
Pumirma ng extension contract sa GMA-7 ang TAPE Inc., na siyang producer ng longest-running noontime show sa bansa, kaninang hapon, March 11, sa GMA Network Center.
Present sa contract signing ang top executives ng Kapuso network na sina Atty. Felipe Gozon at Mr. Jimmy Duavit, ang TAPE president na si Antonio Tuviera, at ang supervising producer ng show na si Malou Choa-Fagar.
Sinaksihan ito ng mga Dabarkads (Eat Bulaga! hosts) sa pangunguna nina Senator Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey de Leon; kasama sina Anjo Yllana, Jimmy Santos, Allan K, at Ruby Rodriguez.
RENEWAL OF VOWS. Wala naman daw sa isip nina Tito, Vic at Joey na lumipat pa sa ibang istasyon kahit merong nagpaparating ng interes na kunin ang Eat Bulaga!.
Mula nung 1995 pa sa GMA-7 ang Eat Bulaga! at hindi na raw nila naisip na lumipat pa sa ibang istasyon.
Mas concern daw nila ngayon kung paano pa makatulong ang Eat Bulaga! sa mga manonood dahil ang isa raw sa pagbabago ng programa ay ang pagbibigay ng public service sa mga manonood.
Habang tumatagal ay lalo raw silang lumalakas at nagiging masipag para lalong pagandahin ang Eat Bulaga!.
"Hindi na kami napapagod, e," sabi ni Joey. "Bale ito na ang aming pahinga dahil more than 30 years na ginagawa namin ito araw-araw, dito na kami nagpapahinga at nare-recharge."
Hindi naman itinatanggi ni Mr. Duavit na malaking bagay ang mga naririnig nilang may mga ilang istasyong balak kunin ang Eat Bulaga!.
Aniya, "Hindi naman maipagkakaila na may mga haka-haka na nadiding at hindi namin maitatanggi na sanhi rin ito ng desisyong mag-extend ng contract.
"Well, naging matibay ang pagsasamahan, pero mas mabuting lalo pa itong ipagtibay."
Hindi naman sila nahirapan sa pakikipag-usap sa Eat Bulaga! dahil hindi naman daw biro ang halos labing-anim na taong pagsasama nila kaya dapat na maging bahagi pa rin ng GMA-7 ang Eat Bulaga!.
Pahayag naman ni Mr. Tuviera; "Ang pakiramdam namin ngayon, parang renewal of vows lang ito. Parang mag-asawa na to continue na magbigay ng tuwa't saya sa mga manonood.
"Talagang kami'y nananalangin na sana bigyan pa kami ng GMA-7 ng mahabang buhay sa telebisyon para patuloy na maging parte ng buhay ng mga Pilipino. Kaya malaki ang pasasalamat namin sa GMA."
Dugtong naman ni Atty. Gozon, "Bihira lang kasi ang variety show na tumatagal ng ganito katagal at alam ko marami ang nagkagusto diyan. Parang babaeng maganda iyan na maraming nanliligaw."
SOURCE: PEP.PH
ANG LAKAS TALAGA NG EAT BULAGA!
ReplyDeleteGOOD FOR THEM!
im a kapamilya and i dont really like HYY!
pero dapat may plan na ang GMA ng bagong show na papalit sa EB dahil kung hindi mahihirapan silang gumawa ng hit show ,,,ang ABS nga NAHIRAPAN ,ang GMA pa kaya na BILANG LANG ang kanilang
mga artistang HINDI CHEAP!!!
HONSTLY! hahahahahaha
lang taon na kaya sila .. tagal na rin noh...
ReplyDeleteyabang ni Jose wala naman pala sya sa Contract signing, kung bastusin si Mang Jimmy ganun na lang.
ReplyDeleteLucky pa rin ang GMA at Malakas pa rin ang Noontime show nila, pero once EB will tranfer to other network, mahihirapan na rin ang GMA mag develop ng sarili nilang noontime show.
ReplyDeleteBilog ang kapalaran, maybe this time malakas ang EB but who knows HYY will be the same as Wowowee (minus ang paglaki ng ulo ng mga hosts), magiging successful at hahataw din sa ratings.
never
ReplyDelete2014 pa ang contract nila,..
ReplyDelete--well in that year na eh baka wala na sila joey and tito dyan dahil matatanda na sila...
Hi there! Do you know somebody who needs a part/full time job? pls refer them to me.
ReplyDeleteI'm into an Advertising Business and i need people who want to earn extra.
I am preparing to open new centers in Cebu area and Manila Area.
just willing to be trained, has a good positive attitude and excellent listening skills.
If interested, please reply to this post via PM here or text me at 09327106740 for instructions:
send me your full name, age, location, current work(can be student, employed and unemployed)
*Im also open for long distance business venturers.
GODBLESS!!
eh un na lang kasi bumubuhay sa gma,, panu pa kaya kapag nawala un dba....
ReplyDeleteEAT BULAGA STAYS WITH GMA-7!...
ReplyDeleteSO, WHAT?!!!
good for them., i think di na babalik ang EB sa ABS remember meron clang conflict.'.. maybe TV5 kung patay na ang TVJ.'hahahaha
ReplyDeleteNaku naman, mukang naunsyami nanaman pangarap ng ebs. hehehe,
ReplyDeleteGood for eat bulaga, Sa gma sila nakatikim ng pagiging no. 1 at consistent pagdating sa variety show.
Forever EB