Ngayong gabi ay ipinagdiwang ni Willie Revillame, live, sa kanyang programa ang isang desisyon ng Court of Appeals (CA) na paborable sa kaniya sa kasalukuyang mga demanda at kontra-demandahan nila ng ABS-CBN.
Ito ay kaugnay ng petisyon ng ABC Development Corporation para sa pag-isyu ng korte ng writ of preliminary injunction sa pagdinig ng kaso sa Makati Regional Trial Court ng hinihinging TRO (Temporary Restraining Order) ng ABS-CBN Corporation laban sa Willing Willie.
Ang ibig sabihin nito ay magpapatuloy sa ere ang Willing Willie. "Status quo" ang mangyayari sa ngayon.
Layunin ng reklamo ng ABS-CBN na ipatigil ang pag-ere ng Willing Willie sa TV5.
Ikinatwiran ng ABS-CBN sa kanilang reklamo na nilabag ni Willie ang nilalaman ng kanyang kontrata dahil sa biglaang paglipat nito.
Ang patuloy na pag-ere raw ng Willing Willie ay magdudulot ng "irreparable injury" sa Lopez-owned network.
Pinaboran ng mga justices ang petition for a writ of preliminary injuction ng ABC Development Corporation at ni Atty. Ray Espinosa (presidente ng korporasyon).
Ang Resolution ay nagpapatigil kina Judge Joselito Villarosa (presiding judge ng Regional Trial Court ng Makati) at ABS-CBN Corporation na gustong magpatuloy sa pagdinig ng petisyon ng ABS-CBN para sa TRO (temporary restraining order) sa Willing Willie.
Ito ang inilabas sa ere ni Willie ngayong gabi.
Isang bahagi ng Resolution (na hindi binasa ni Willie) ay nagsasaad: "We discern compelling justifications to issue the writ of preliminary injunction."
Sa pagpapatuloy nito: "Injunction is the strong arm of equity which must be issued with great caution and deliberation, and only in cases of great injury where there is no commensurate remedy in damages.
"In light of the factual milieu obtaining in this controversy, We are convinced that there is an extreme urgency and imperative need to preserve the status quo of this case until the merits of the Petition have been fully adjudicated upon. The crucial queries brought before Us ought to be resolved first before the court a quo could press on with the hearing for the issuance of the TRO. Our eventual decision on these issues may be put to naught if the court a quo is allowed to receive the parties' respective evidence and upon which, decide the case on the merits."
Ang isa pang parte ng Resolution (na binasa ni Willie) ay nagsasaad: "We cannot turn a blind eye to the incalculable losses that petitioners may suffer once the airing of Willing Willie is enjoined. Their contractual obligations to sponsors and advertisers, as well as to Willing Willie's production crew and staff, would certainly be put in jeopardy. The opportunity to offer joy and consolation to the millions of Filipinos who eagerly watch the show, with many actually joining and winning the contests, would dissipate into thin air. In the higher interest of justice, We are of the considered opinion that an injunctive writ is necessary to forestall this irreparable injury that may be suffered by petitioners."
Sa salitang "petitioners," dalawa ang tinutukoy: ang ABC Development Corporation, or mas kilala bilang TV5, at si Atty. Ray Espinosa, bilang presidente ng ABC Development Corporation.
"Ang demanda ko ay apat: 'yong kontrata, 'yong panggagaya daw ng programa naming Willing Willie sa Wowowee—lahat po kinasuhan na 'ko ng napakarami, mahinto lang ang programang ito.
"Sa dasal ninyo, sa dasal ng lahat ng mga nagmamahal sa amin, nanalo po! Hindi ako, hindi po ako ang nanalo dito, hindi po nanalo ang TV5, kayo po ang nanalo dito! Ang sambayanan.
"Maraming, maraming salamat po sa inyo! Sa aking mga magagaling na abogado at sa mga abogado po ng TV5-marami pong salamat!
"Pinaglaban po nila dito ang karapatan natin. Isipin ninyo ho kung nahinto ang programang nagbibigay ng saya at pag-asa. Isipin ninyo ho kung wala kami sa harap ninyo.
"Huwag na lang kami, e, 'yong mga pumipila ng isang linggo diyan. 'Yong mabigyan ka ng isang libo ay kayamanan na sa kanila. 'Yong mabigyan ho ng saya yung mga nasa ospital, di ba? 'Yong mga nanay, 'yong mga lola, 'yong mga naka-wheelchair, special children...
"Bakit ganun? Bakit pinipilit ninyong mawala ako at mawala ang programa? Kung tinatawag kayong Kapamilya, dapat ang iniisip ninyo mapasaya ang sambayanang Pilipino. 'Yon po ang dapat dito. Wala po itong personal. Wala po itong anuman.
"Marami pong salamat! Ito 'yong pinakamasayang pakiramdam sa buhay ko nung mabasa ko ito.
"Hindi ko lang ipinapakita sa inyo na may lungkot po sa likod ng kamerang ito. Pagpasok ko sa aking dressing room nag-iisa ako diyan. Nagmi-meeting ako with the staff, pero hindi ko pinapakita sa kanila na may lungkot ako dahil baka isang araw may TRO na ang programa.
"Paano ang mga taong ito? Naniniwala po ako sa hustisya. Naniniwala po ako truth will always prevail. Ang katotohanan po ang nananalo.
"Maraming-maraming salamat sa mga nagmamahal at nagdadasal.
"Sir Manny [Pangilinan, TV5 chairman], Atty. Ray Espinosa our president, Boss Bobby [Barreiro, TV5 executive vice-president]. Sa buong pamilya, buong Kapuso, Kapamilya, Kapatid, dito po sa TV5, at sa buong mundo! Nanalo po tayo! Thank you so much!
"Tuloy-tuloy ang saya, tuloy-tuloy ang pag-asa! Salamat po sa inyo!
"Pero sa kabila po ng lahat ng ito hindi ko po puwedeng palagpasin na magpasalamat sa ABS-CBN dahil sa kanila ako nagsimula. Sila ang nagbigay ng programang maganda, ang Wowowee.
"Tinutuloy lang namin ang pagbibigay ng saya at pag-asa sa sambayanan. Salamat din Boss Gabby [Lopez, ABS-CBN Chairman and CEO], Ma'm Charo [Santos-Concio, ABS-CBN president].
"Uulitin ko, salamat sa inyo, kayo ang tunay na tao diyan na nagmamahal sa akin. Ganun lang talaga, umabot sa ganito, wala namang may gusto nito, kaya lang ipaglalaban mo, hindi ang karapatan ko, kundi 'yong kaligayahan ng aming mga kababayan."
SOURCE: PEP.PH
nu ba yan hina naman abogado ng dos...chos!
ReplyDeleteokay lang willie
ReplyDeletehindi rin priority ng dos manalo
gusto lang nila masira ang show mo wahahaha
nasa kangkungan na nga wala nang pumapansin
Dumating na ang Araw
ReplyDeleteMasisilaw Ka sa pagdating ng
KAPAMILYA GOLD!!
ABANGAN SA MARCH 16
ok lang!
ReplyDeletehindi namn lahat ng finile ng ABS kay willie e NANALO si willie!
at yang show ni willie eh BUMABABA na nga ang RATINGS eh!
3RD nalang! haha
ang naglalaban sa timeslot nayan ay ang TVPATROL & 24ORAS!
it only shows na mas GUSTO ng tao malaman ang mga PANGYAYARI o mga BALITA kesa sa manood ng primetime variety show!
p.s. HINDI LAHAT NG PILIPINO MUKHANG PERA!!
paging admin:
ReplyDeletewhy not make an article about the trailer of maria la del barrio... hahaha.. mganda kc eh.. sa trailer pa lang alam mo nan iniba na nila ung kwento...
hmmp, i think mas maganda un gawaan ng article kesa nman sa family feud, dba?... xD
Kapamilya Gold
ReplyDeleteAbangan.
what's kapamilya gold?
ReplyDeletei'll watch for it but give us an idea!
ok lang yan, kunswelo de bobo na lang yan kay willie. wala na kasing masyadong pumapansin sa show nya kahit anong gimik. isa lang naman kasi talaga ang fan nang show ni willie kundi si CRISTY FERMIN! bwahahaha!
ReplyDeletekawawa naman ang dos palaging talo sa legal cases.' if i'm not mistaken mababayad cla ng 50M each kay MEL and Jay.'.tapos GUILTY pa cla sa THE BUZZ. tapos ngayon talo na naman kay willie ..'..
ReplyDeletekailangan na yata palitan ang kanilang abogado na walang silbi...'
hay naku abs cbn..pabayaan niyo na c willie... tandaan..... marami yang pera... nagagawa nga nmn ng pera... pero... cra na c willie kaht talo ang abs... c willie pa din ang talo... kasi marami na ang may ayaw sa kanya..
ReplyDeletee d tuwang tuwa n nmn ang alagad ni willie na c CRISTY FERMIN... todo puri n nmn... anu ba yan... nagbunyi ang mga demonyo...atsaka khit anung mabuting gawen ni wille sa mga tao.. wala pa din cya talunan pa din cia..kasi napakasama ng ugali niya.. konti na lang ang naniniwala sa kanya..
ReplyDeleteOK LANG NA MATALO ANG DOS ..
ReplyDeleteANG IMPORTANTE TALO ANG WILING-WILLY SA RATINGS SA MEGAMANILA AT NATIONWIDE...
HINDI MAKABANGON HAHAHAH...
Hindi pa po tapos ang kaso...
ReplyDeleteNanalo si Willie sa prevention of TRO pero HINDI PA TAPOS ANG KASO LABAN KAY WILLIE...
KAPAMILYA GOLD - just another desperate move by EBAK-CBN!
ReplyDeleteabscbn versus sa agb- talo
ReplyDeleteabscbn vs gma- talo na naman
abscbn vs willing willie- talo again...
KAPAMILYA GOLD
ReplyDelete----
ano po ito..maraming nagcocoment about dito..
Abangan ang announcement pertaining to Kapamilya Gold on March 16, 2011 on TV Patrol
ReplyDeleteAbangan ang announcement pertaining to Kapamilya Gold on March 16, 2011 on TV Patrol
ReplyDelete_____
hindi ako kasi nanonood ng live sa tv so ano po yung sinasabi nilang kapamilya gold...pati sa facebbok may nababasa akong ganyan...show po ba ito or what......
hindi ako kasi nanonood ng live sa tv so ano po yung sinasabi nilang kapamilya gold...pati sa facebbok may nababasa akong ganyan...show po ba ito or what......
ReplyDelete-----------
no ideas as of now.
But this is what I'm gonna tell you, expect big changes. Hindi po 'to rigodon. It's something else; something better.