Hindi nababahala ang Asia's Songbird na si Regine Velasquez-Alcasid sa mga nagsasabing mas mataas ang rating ng Imortal ng ABS-CBN kumpara sa serye nila ni Dingdong Dantes sa GMA-7, ang I ♥You Pare?
"Yun nga, e. Iba-iba kasi yung mga ratings ng iba't ibang network. So, parang may kanya-kanya silang mga ratings," nakangiting sabi ng singer-actress nang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa taping ng I ♥You Pare sa Boiler Room, Riverbanks, Marikina City.
"Ako naman, hindi ako mausisa kung aling show ang may mataas na ratings, kung yung katapat ba namin o yung show namin. Kasi kung mag-e-effort pa akong malaman, tapos nalaman ko na mababa pala yun sa amin, baka maapektuhan pa yung work ko.
"May mga chances lang ipinapaalam nila sa amin ang ratings ng show pag mataas. Like no'ng first week and yung three nights ng second week namin, ng airing namin, okey naman yung ratings namin, according sa GMA.
"Though, sinasabi nga ng iba na mataas ang kabila, ang difference lang naman is point something. Like... Kunwari lang ito, ha. Gusto ko lang magbigay ng example... Like, 26.3% yung sa kabila, yung sa amin naman ay 26.2% Kumbaga, point one lang ang difference.
"I mean, kung titingnan mo, bilang bagong show lang yung sa amin, it's not bad at all," pahayag ni Regine.
Pero aminado ang Asia's Songbird na mas gusto niyang malaman na mataas ang rating nila kesa sa mababa.
"Ewan ko. Pero totoo na mas gusto kong malaman yung ratings namin pag mataas kaysa sa mababa. Nagkakataon namang ang sinasabi nilang ratings namin ay yung mga matataas lang.
"Nakakatuwa nga kasi wala talaga kaming kaalam-alam sa ratings. Hindi naman kasi sinasabi sa production kung ano ang ratings ng show namin!" natatawa niyang kuwento.
Walang nakikitang kumpetisyon si Regine sa karera ng mga magkakatapat na shows nila sa ere.
"I mean, magkakaiba naman kasi kami," sabi niya. "Like yung sa Imortal, suspense-drama naman sa kanila. Yung sa Babaeng Hampaslupa naman, melodrama naman. Yung isa, romantic comedy naman.
"Siguro makikita ko yung point na may competition among our shows kung pare-pareho kami ng format. But, you know, maganda naman ito sa Pinoy audience, kasi may mga choices sila na makapanood ng iba't ibang klaseng TV show."
STRESSFUL BUT HAPPY. Bagamat stressful kay Regine ang taping ng I ♥You Pare, nag-eenjoy raw siya sa trabaho.
"Paano kang hindi mag-e-enjoy, kasama mo yung mga bakla?" natatawa niyang sabi.
"Makita ko lang sila, yung mga galaw nila, kung paano sila mag-usap sa isa't isa, nakakaaliw na. Tapos, ang gagaling nilang mag-perform.
"Tapos, may mga production numbers din ako na hindi ko akalaing magagawa ko. Hindi naman kasi ako nagsasayaw kahit sa Sunday show ko [Party Pilipinas], di ba? Dito, wala akong choice kundi gawin yung mga yun kasi nga kailangan talaga sa story.
"Tapos, ang gagaling pa ng mga co-actors ko dito. Magaan yung samahan namin sa taping."
Wala pang ideya si Regine kung hanggang kailan tatagal ang kanyang serye.
"Hindi ko talaga alam. Kasi minsan, sasabihin ng management na hanggang ganitong date na lang yung show, pero biglang mai-extend ng ilang weeks.
"Basta kami, magtatrabaho lang nang magtatrabaho. Gagawin lang namin yung role namin as actors na ibigay ang best namin para mag-enjoy yung mga viewers namin," saad niya.
Credits: Pep.ph
Well, ganyan talaga. Kung sa kabila man mangyari yun, they will also find an excuse. kapamilya ako but i have nothing against her. Sya lang naman talaga ang certified superstar sa GMEEWW eh. the rest, starlets na. And she has maintained good professional relationship with ABS. At tama cnabi nya, iba-iba ng genre yun magkakatapat na shows so okay yun sa mga viewers.
ReplyDeleteano ba kasi pinagagawa ng gma sa big star nila like regine... pati c izza calzado na used to be classy ay nagiging pokpok ang image... hay naku gma-7 talaga walang kwentang gumawa ng imahe ng mga artista nila...
ReplyDeletenagsimula nan naman ang PRAISE RELEASE NG GMEWWW pag LAGPAK SA RATINGS ANG MGA SHOWS NILA... style na nila yan... watch out....biglang tataas yan ng di nalalaman dahil sa pindot ratings... na inilalabas pero house hold ang basehan...ano bayan household o pindot ano ba talaga gozogggg???
ReplyDeletenaku kabisado na nga ng mga televiewers , im sure pati advertisers ang galaw ng AGB AT GMA....
ReplyDeletekaya minsan huwag ng magtaka kung isang araw magising na lang tayo na pinaguusapan na yan hanggang senado...
kawawa ang agb....parang nahihila tuloy pababa .
hindi naman kasi maganda yung telenovelas sa gma..kaya kadalasan mga korean soap's lang ang ngrerate sa knila gaya ngayon....eh pano ba naman...ang tagal ng artista nung iba hanggang ngayon bano pa din sa pag arte ang talents ng gma 7. marunong naman tumingin ang mga televiewers ng mganda sa hindi no.
ReplyDeleteano kayang masasabi ni WILLY REVILLAME, CRISTY FERMIN ngayong talong talo ang WILING WILLIE...
sweet revenge for ABS-CBN 2...
PATI ANG JUICY IBINALIK SA GABI HAHAHAHA....
e ano kaya ang masasabi ng PINTASERO'T MAYABANG NA SI DJ MO!!!
eeeeeeeeewwwwwwwwww
sobrang ganda kasi ng mga telenovelas sa dos...ang gagaling pang umarte ng mga bidas and kontrabidas..
ReplyDeleteang isa pang inaabangan namin yung NASAAN SI ELIZA...MAGANDA DAW STORY NON.
@ Anonymous said...
ReplyDeletesobrang ganda kasi ng mga telenovelas sa dos...ang gagaling pang umarte ng mga bidas and kontrabidas..
ang isa pang inaabangan namin yung NASAAN SI ELIZA...MAGANDA DAW STORY NON.
-------eto kaya yung pinoy version ng twin peaks na palabas dati sa 2. If not, maganda rin i-remake nila yun
Aagree ako kay Regine. ANg dapat lang pagtuunan ng pansin ng mga artista ay kung maganda ba ang show nila o magtatagal pa ba ang show nila. RATINGS ARE FOR ADVERTISERS!!! Advertisers know better. Panalo dahil nanalo by .1? Margin of Error people! Yung mga ibang die hard jan, I'm sure sasabihan akong bitter Kapuso dahil nag-agree ako sa isang Kapuso. Grow up? The world is not Black and White? Masama bang manood ng Imortal at mag-agree kay Regine at the same time?
ReplyDeletesabi sa 24 ors kagabi, hit daw yun MVG. akala ko ba flop yun. 17M lang ata in 5 days diba. anyway, nagtataka lang, cguro nga nag hit.
ReplyDeletesobrang laki ng rating sa mara clara bagsak naman sa ads.'OMG..' kagabi sa 3rd gap 2:30 sec lang ang ads at sa last gap 2:45 sec. talo pa sa flop na machete.' what's happening??
ReplyDeletenapapnsin ko halos katapat na ng show ni Regine ung Green Rose, kalahati ata. Cguro nga di nya kinaya ung powers ng Imortal. May na-capture na aksi na market yun eh. Ganyan talaga ang buhay, una-unahan lang yan.
ReplyDeletepwedeng konti lang ang ads pero malaki ang bayad nga mga advertisers per ad nila..
ReplyDelete^^^ KBP member kasi ang abs-cbn unlike gma kaya naman may particular minutes lang ang pagpapalabas sa number of ads, hindi pwedeng makipag kompetisyon ang abs-cbn sa paramihan. the question is, sinong mas mataas ang rate sa kanilang dalawa sa mas mababa. ALAM NAMAN NATIN KUNG SINO?!
ReplyDeletebtw, news flash lang... umabot na raw 12 million ang nag view sa imorta.abs-cbn.com na series nang show. CONGRATS!