Kahapon sa The Buzz nagsalita ang Vice President fot TV Entertainment ng Dos na si Ms. Linggit Tan ukol sa claim ni Willie na nakatakdang babalik umano sa Wowowee by July 31. Iginiit ng Network na walang kasunduan si Willie at ang Management ng Dos na babalik na ang Host dahil sa Agosto pa ito nakatankdang bumalik. Pinaliwanag din ni Ms. Tan na ang kawalang loob na magbago ni Willie ang dahilan ng tuluyang pagtanggal sa Wowowee dahil narin sa demand nito na tanggalin sina Mariel at Pokwang sa programa. Pinahahalagahan di umano ng Network ang magandang paguugali dahil isa ito sa mga alitutunin ng kumpanya.
Sa kabilang banda sinagot naman ni Willie ang mga paratang sa Paparazzi sa pagsasabing malinis ang kosensya nito at hindi nito hinanagad na magkaghulo ng ganito. 'Eto ang ilan sa mga pahayag ng Tv Host,
"Basta ako malinis ang aking konsensya. Kung anuman ang nakikita niyo sa akin sa TV, yun po ang pagkatao ko. Ni minsan hindi po ako naging plastic kahit kanino. Kung masama ang loob ko, masama, kung masaya ako, masaya. Pero hindi ako yung nasa harap ng kamera, magbabasa ng teleprompter at may kaba na hindi totoo ang sinasabi.
"Ang sabi nila, ang sabi ni Ms. Linggit Tan sa kanyang interview at statement, hindi pa raw ako kailangan magbalik, kailangan magbago ako. Bakit po ako magbabago, hindi naman ako masamang tao? Hindi naman ako mamamatay-tao, hindi naman ako drug pusher. Ang tanging gusto ko lang ay pasayahin ang mga Pilipino at lalong-lalo na yung may mga karamdaman at may sakit...
"'Eto po ang tanong ko: Nung umalis po ako sa Wowowee—hindi po ito pag-aangat ng bangko, alam ko po ito at alam niyo po 'yan—ang ratings po ng Wowowee ay 20 up. Hindi po bumababa 'yan. Ang pinaka-less ay 19. Pag 19, tumatawag agad kayo, kinakabahan agad kayo, kailangan mag-isip ng bagong gimik.
"Hindi po bumababa ng 15, 16, 17 ang ratings ng Wowowee for five year and one half [years]. Pero nung mawala ako, nagsi-single digit na po ang show, nagiging 9, kaya gusto niyo ako ibalik, di ba?" deklara ni Willie.
"Siguro... pinepersonal na ako. Yung totoo lang ang puwede nating sabihin... Kasi pag nagsisinungaling tayo, ewan ko kung makakatulog ka sa gabi-gabi. Habang buhay mong dadalhin yan. Ako napakalinis ng kunsensya ko. Wala akong nararamdaman ni isang kaba. Nakakaharap ako kahit kanino. Nakataas noo ako kahit kanino, maliit o mataas, kasi in my heart, in my conscience, in my soul, sa mata ng Diyos, kahit sa mata ng tao, alam Niya kung ano ang totoo at alam mo 'yan," pagwawakas ni Willie.
Sino kaya sa dalawang panig ang nagsasabi ng totoo? Tingin mo?
First ako :D
ReplyDeleteI'll go for willie. uu, mayabang, hambog at bastos cya pero hindi naman cya yung type na ipagsiksikan ang sarili to the point na magsisinungaling about the statements na pababalikin cya dba? ano naman makukuha nya sa pagsisinungalin na yun aside sa publicity? para din nya ginisa ang sarili nya sa sariling mantika, which sa tingin ko naman hindi cya ganun ka tanga.
ah talaga?
ReplyDeletekung napanood nyo ang news ng buo, si Armida Seguion Reyna na ang nagsabi,
mapaggawa ng kwento yan si Willie
Kesyo lumuhod at umiyak daw sa kanya si GABBY LOPEZ years ago para makipagmeeting sya sa MTRCB..
sobrang kapal ng mukha di ba?
sasagutin ko lang ang tanong mo:
ano naman makukuha nya sa pagsisinungalin na yun aside sa publicity? ----- sa tingin mo makakakita pa si Willie ng kumpanyang kikita sya ng at least 25M a month??? pinamumukha nya sa public ang value nya, pano sirang sira na sya..
hindi kaya ng TV5 yan dahil mahina ang coverage nila, so walang reach sa major consumers..
sampal sa mukha ng TAPE kung kunin ng GMA7 si Willie..
who needs Willie?
ReplyDeleteABS-CBN has been winning and losing sa noontime, pero they still are #1 for since they reopened in 1986..
hindi daw sinungaling si Willie?
aminin nya muna na binubugbog nya si LIZ ALMORO mentally, verbally and physically nung mag asawa pa sila..
Simple as this, KUNG TOTOONG MAY AGREEMENT TALAGA ANG ABS CBN AT SI WILLIE ABOUT HIS RETURN GAYA NG SINABI NI WILLIE, BAKIT WALANG MAILABAS NA SIGNED AGREEMENT SI WILLIE? SINO ANG NAGSISINUNGALING NGAYON?
ReplyDeleteIn legal grounds, TALO SI WILLIE.... MAUUBOS ANG SAVINGS NYA DAHIL SA KAYABANGAN NYA.
remember in any company or in life...what matters most is CHARACTER and PERSONALITY...
ReplyDeleteKahit anu pa ang potential mo kung imburnal ang ugali mo...in one way or another you will be doomed...basura ka pa rin...
Sa ABS-Willie Rift...tsk tsk...reiterate ko lang accdg to Gabby Lopez..."artists may go but the company will stay..." tama...bakit ba? Dati rati namang nanalo at natatalo ang abs sa noontime block but it doesn't made them a lesser tv network...ABS CBN is already a huge part of Philippine TV History...though it is still business to rake money...but there are still more important things other than money...values and integrity...yan ang sikreto at alas ng ABS why it is still the solid standing leading tv network in the Philippines...
They once made it...through defunct mtb and wowowee...they can still make it through in due time...Pilipinas Win na Win is doing good so far...its fun na to watch the show...laugh trip!ü and kris is embeding the noontime aura and showmanship right now...Showtime and PWnW are power combination also..! Potent to win the hearts again of every Filipino...ü positive lang...ü
walang nagsasabi ng katotohanan! parehas cnungaling! hahaha.. willie sa kangkungan k n lng pupulutin!
ReplyDeletei think si willie ang nagsisinungaling. kailanga niyang magsinungaling para makalaya na siya at magawa na niya ang gusto niya. akala niya uurungan siya ng network pero nagkamali siya. sobra na talaga ang pangbabastos niya sa abs-cbn. after all ng ginawa niya siya pa ngayon ang may karapatan na kumawala sa kontrata?! dapat ma-ban siya na kaninumang tv network. isa siyang masamang ehemplo sa pinoy society.
ReplyDeletegrabe na hostage taking huh! c mike enriquez kabadong-kabado haha
ReplyDeletePormal nang nagsampa ng reklamo sa korte ang TV host na si Willie Revillame laban sa ABS-CBN kaugnay ng pagkakatanggal niya at ng noontime show niyang Wowowee sa ere noong July 31.
ReplyDeleteMahigit-kumulang P11.5 million ang hinihinging danyos-perwisyo ni Willie sa formal complaint na isinampa niya sa Quezon City Regional Trial Court noong hapon ng Biyernes, August 20. Ngayong Lunes, August 23, ay nai-raffle na ang kaso sa sala ni Judge Luisito Co ng Branch 84, ayon sa lawyer ni Willie na si Atty. Leonard de Vera.
Sa pamamagitan ng nasabing formal complaint, hiniling ni Willie sa korte na bigyan ng "judicial confirmation" ang pagpawalang-bisa ng kontrata niya with ABS-CBN, na matatapos pa sa September 2011.
Ang hakbang ay ginawa ni Willie matapos umanong talikuran ng ABS-CBN ang pangako nito sa kanya na siya'y pababalikin sa Wowowee noong July 31. Sa halip daw kasi na pabalikin siya ay pinalitan ang programa ng Pilipinas, Win na Win! noong July 31 din.
sinong gago pa ang maniniwala sa pinagsasabi ni willie revillame???
ReplyDeletewala ng kredibilidad ang taong ito!
ni hindi nga niya kayang ipanalo ang manok niya noong nakaraang eleksyon at baka siya pa nga ang naging dahilan sa pagbulosok ni manny villar sa pagkakandidato!
willie, nakakatawa ka! isa kang sira-ulong gago!
Si Willie napakayabang. Ginagamit ang mahihirap para mapabango ang pangalan. May post ako tungkol sa Willing Willie.
ReplyDelete