Pages

Wednesday, July 7, 2010

SPONGEBOB SOON TO BE KAPAMILYA NA?


Sinabi mismo ng isang ABS-CBN insider sa inyong lingkod na malapit nang maging kapamilya ang cartoon character na si Spongebob Squarepants.

Ang nakakatawang cartoon program na “SpongeBob SquarePants” ay napapanood sa TV5. Ito ay isa sa mga kinagigiliwang panoorin ng mga kabataang pinoy ngayon dahil mataas ang rating na nakukuha nito sa AGB Nielsen Mega Manila overnight surveys. Katunayan, ang 30-minuto na programa ni Spongebob Squarepants ay ilang beses nang nakapasok sa Top 10 daytime programs sa Mega Manila. Isa ito sa mga programa ng TV5 gaya ng Talentadong Pinoy, Midnight DJ at Who Wants to Be a Millionaire na naka-penetrate sa AGB Mega Manila TV Ratings na karaniwang pinaglalabanan lamang ng ABS-CBN at GMA.

Sa pagtatapos ng kontrata ni Spongebob sa TV5 ay mukhang hindi na niya ito ire-renew. Ayon nga sa sinabi sa akin ng isang ABS-CBN insider, mataas ang posibilidad na pumirma siya ng kontrata sa kapamilya network at maaaring isama na rin niya ang mga kabarkada niya sa Nickelodeon.

Ang tanong: magkano kaya ang inoffer ng ABS-CBN kay Spongebob para hindi na ito mag-renew ng kontrata sa TV5 at tuluyan nang maging kapamilya?

source: echoserong palaka

6 comments:

  1. i'm not a kid anymore but still hooked with spongebob's wacky character plus his tandem with patrick. I love spongebob squarepants.. haha

    ReplyDelete
  2. nge.. eh dba nsa tv5 yan tsaka qtv.. iba n tlga c spongebob lahat ng network may kontrata.. cguro yaman na ni spongebob..

    ReplyDelete
  3. hay! pati ba naman si spongebob ginagawan ng issue.....

    ReplyDelete
  4. flop FLOP flop ITO!!!!

    BAKLA LNG ANG MANONOOD NITO BAGAY SA MGA KAPAMILYA KASI PURO BAKLA.

    ReplyDelete
  5. Guys, register here. http://www.imcrew.com/?r=19910
    You'll earn dollars everytime you refer it to other people.
    I already earned 50 dollars in an hour.
    This is not a joke

    ReplyDelete